^

PSN Opinyon

Babae sa U.S., nanalo sa lotto gamit ang numero na nakuha niya sa fortune cookie!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang babae mula sa Virginia ang sinuwerte sa lotto matapos niyang gamitin ang mga numero mula sa isang fortune cookie!

Nitong nakaraang linggo, kinumpirma ng Virginia­ Lottery officials na si Tierra Barley na residente ng Henrico ay nanalo sa Powerball draw na may winning numbers na 7,41,43,44,51 at Powerball number 5. Natamaan ni Barley ang lima sa anim na numero at nanalo ito ng $50,000 (katumbas ng P2.9 million)

Sa panayam kay Barley, ang mga numero na kanyang tinayaan ay mula sa loob ng fortune cookie na libre niyang nakuha nang umorder siya ng takeout sa isang Chinese restaurant. Ayon kay Barley, muntik nang mawala sa kanya ang pagkakataong manalo nang naiwala niya ang lotto ticket.

Kuwento nito, binili niya ang ticket sa Varina Superstore Supermarket bago sila mamasyal sa park ng kanyang anak. Pagka­tapos nilang mamasyal, napansin niya na wala sa kanya ang lotto ticket. Sinubukan niyang bumalik sa supermarket kung saan siya tumaya at doon niya nalaman na naiwan­ niya roon ang ticket dahil sa pagmamadali.

Ang fortune cookie ay isang uri ng biskwit na madalas libreng binibigay ng mga Chinese restaurant sa U.S. bilang dessert o panghimagas. Naglalaman ito ng maliit na papel na may nakasulat na mensahe sa loob. Ang mga mensahe na ito ay maaaring maging inspirasyonal, numero sa lotto, nagbibigay-payo, o minsan ay nagbibigay ng “fortune” o prediksyon tungkol sa hinaharap.

Gagamitin ni Barley ang kanyang napanalunang pera sa edukasyon ng kanyang anak.

vuukle comment

FORTUNE COOKIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with