^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Permanenteng evac centers nasaan na?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Permanenteng evac centers nasaan na?

Kahapon, tumama na sa Eastern Visayas ang unang bagyo para sa 2024 na tinawag na Aghon. Naghatid ito ng pagbaha sa maraming lugar sa Samar at Capiz. Ngayong araw na ito, posibleng mana­lasa sa Bicol Region si Aghon. Ayon sa PAGASA, lala­bas ng bansa ang bagyo sa Linggo ng hapon.

Nagsisimula na ang pagdalaw ng bagyo at sa Hulyo inaasahang mararamdaman ang La Niña na tatagal hanggang Nobyembre. Ang La Niña ay nagdadala ng mga malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng pagguho ng lupa. Inaasahang malalakas na bagyo ang dala ng La Niña.

Taun-taon, mahigit 20 bagyo ang tumatama sa bansa at karamihan sa mga ito ay malalakas at mapanira. Ma­raming bahay ang nawawasak. Isa sa pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa ay ang Yolanda noong 2013. Hanggang ngayon, marami pa rin sa mga bik­tima ng Yolanda sa Eastern Visayas ang walang sari­ling tahanan. Nagdaan ang Aquino at Duterte admi­nistration subalit wala pa ring mahusay na tirahan ang mga biktima ng Yolanda.

Ngayong nagsisimula na ang pagdalaw ng mga bagyo, malaking problema na naman ang evacuation­ centers para sa mga biktima ng bagyo, baha at landslides. Tuwing may kalamidad, malaking problema kung saan dadalin ang evacuees. At ang dahil walang ma­pag­pipilian sa mga eskuwelahan dinadala ang evacuees.

Ang problema, ginagamit ng mga estudyante ang eskuwelahan. Masasakripisyo ang pag-aaral ng mga bata. Dahil maraming evacuees, natatagalan ang mga ito sa mga school at ang mga estudyante ang kawawa. Ang masama, sinisira ng evacuees ang mga school. Gaya nang nangyari sa Parañaque ilang taon na ang nakararaan. Sinira ang mga blackboard at pati mga silya.

Ang pagtatayo ng permanenteng evacuation centers­ ay nararapat nang isagawa ng kasalukuyang pa­ma­halaan. Maglaan ng pondo para rito. Mahalaga ito sa­pagkat ang Pilipinas ay laging tinatamaan ng kala­midad.

Noong Nobyembre 2022, tinalakay ng mga mambabatas ang kahalagahan ng pagkakaroon nang permanenteng evacuation centers. Marami sa mga mambabatas ang nagpahayag na dapat magkaroon sa bawat bayan nang permanenteng evacuation centers upang mayroong siguradong sisilungan ang mga apektado ng ka­lamidad. Maging ang mga senador ay nagpahayag na dapat nang magkaroon ng kanya-kanyang evacuation centers ang local government units (LGUs).

Pero pawang pagtalakay lamang ang nangyari. Walang nabuong plano sa pagtatayo ng evacuation centers. Kailan ito magkakaroon ng katuparan.

vuukle comment

AGHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with