^

PSN Opinyon

Suporta ni BBM sa farmers at fisherfolks sa Iligan City, namadyik!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DISMAYADO ang 10,000 magsasaka at mangingisda sa Iligan City dahil namadyik ang tulong ni President Bongbong Marcos sa kanila. ‘Ika nga mga kosa, kuwarta na, naging bato pa! Araguyyyyy! Kaya nag-iingay ang farmers at fishermen sa social media sa pagbabakasakali na makarating kay BBM ang kalufetang sinapit nila. Eh di wow!

Dapat paimbestigahan ni BBM ang pagligwak ng tulong niyang P10,000 sa mga pobreng magsasaka at mangi­ngisda dahil sa sobrang hirap ng buhay sa ngayon ay ma­la­king tulong­ na sana sa kabuhayan nila ang pitsa. Dipugaaaaa! At higit sa lahat, dapat panagutin ni BBM ang dapat ma­nagot para hindi na sila pamarisan pa. Sanamagan! Hehehe!

Imbes na umani ng pogi points si BBM sa tulong niya, eh natuligsa pa siya sa panahon na maraming intriga ang ibinabato sa kanya. Mismooooo!

Bumisita si BBM sa Cagayan de Oro City at Iligan City noong Abril 16 at nagbigay ng P10,000 financial support sa farmers at fisherfolks. Hindi naman masabi ng mga nag­rereklamo kung kanino iniabot ni BBM ang pitsa kaya lang siyempre inaasahan nila ito dahil malaking tulong ito sa hanapbuhay nila.

Kaya lang, maghapon na naghintay ang mga recepients ng tulong ni BBM subalit wala naman silang natanggap. Ang ibig sabihin mga kosa ay nganga sila. Nalusaw na parang bula ang pitsa? Ano ba ‘yan! Parang ininsulto si BBM ah. Tsk tsk tsk! Sakit sa bangs nito!

Nagkalat ang mga posts ng mga apektadong farmers, fisherfolks at maging ng mga netizen’s na sinisisi ang mga pulitikong sina Rep. Cello Regencia at Mayor Frederick Siao sa kamalasang sinapit nila. Araguyyyyy! Sila kaya ang tumanggap ng pitsa?

Binansagan ng mga kosa ko si Regencia na “pulahan” samantalang si Siao naman ay “blue.” Kapag identified kang “pula” hindi ka bibigyan ng “blue”, at kapag “blue” ka, wala ka ring mapapala sa “pula.” Get’s n’yo mga kosa?

Siguradong magkaaway sa pulitika sina Regencia at Siao dahil hindi magkatugma ang sistema nila, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Dahil umiiral ang pulitika sa Iligan, ang nakinabang sa financial support ni BBM ay ang mga supporters nila at hindi ‘yung beneficiary talaga. May ilang pamilya pang doble ang natanggap. Ang suwerte naman nila. Kasama sa sinisisi ng farmers at fisherfolks ay ang mga kapitan ng barangay na mukhang tando-tando rin sa kagustuhan ng mga pulitiko. Eh di wow!

Inamin naman ni Kap Niño Remo, ng Bgy. Sta. Elena ng Iligan City hindi sila makaporma dahil naiipit sila sa nag-uumpugang bato. Araguyyy! Sa isang interbyu, sinabi ni Remo na sina Regencia at Siao ay nagtayo ng kani-kanilang satellite offices sa mga barangay bilang registration at distribution points, hindi lang sa financial support ni BBM, kundi sa lahat ng transaction. Anyare? Na hokus-pokus ba? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang financial support ng gobyerno ay minsanan lang dumating sa buhay ng farmers at fisherfolks sa Iligan City, subalit minalas pa sila. Abot-kamay na nga, namadyik pa! Dipugaaaaaa! Saan ang hustisya? Abangan!

vuukle comment

FARMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with