^

PSN Opinyon

Eroplano, itinigil ang flight dahil may pasahero na tinawag na ‘waiter’ ang isa sa cabin crew!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

 Isang eroplano na papuntang Guyana ang itinigil ang biyahe at bumalik sa pinanggalingang airport matapos mainsulto ang isa sa mga cabin crew dahil tinawag siyang ‘waiter’ ng isang pasahero!

Nagulat ang mga pasahero na sakay ng American­ Airlines flight 2557 na papuntang Georgetown, Guyana matapos ianunsyo ng piloto na babalik ang eroplano sa JFK Airport sa New York. Ito ay dahil sa insidente sa pagitan ng pasaherong Guyanese na si Joel Ghansham at hindi pina­ngalanang cabin crew.

Ayon sa mga report, nagsimula ang insidente habang nagbo-board na sa eroplano ang mga pasahero. Nakiusap si Ghansham sa hindi pina­ngalanang cabin crew na tulungan siyang ilagay ang kanyang carry-on luggage sa overhead bin dahil kaka-recover lang niya sa spine surgery at hindi pa niya kayang bumuhat ng mga ma­bibigat na bagay.

Hindi pinaunlakan ng cabin crew ang request ni Ghansham at sinabi nito na hindi siya sinusuwel­duhan ng sapat para gawin ang inuutos sa kanya. Dahil dito ay sa ibang cabin crew humingi ng tulong si Ghansham. Nang oras na sa pagse-serve ng drinks, lumapit kay Ghansham ang cabin crew na tumangging tumulong sa kanya at tinanong kung anong gusto niyang inumin.

Dahil inis dito sa Ghansham, hindi niya ito pinansin pero nang tinanong siya nito ulit, ang tugon niya ay: “No thank you, waiter”. Nainsulto ang cabin crew at sinabi nitong hindi siya waiter at kaya niyang pabalikin ang eroplano sa JFK Airport kahit dalawang oras na silang nasa himpapawid.

Nagkaroon ng palitan ng mga salita sa pagitan ni Ghansham at cabin crew at ilang minuto pagkatapos nito ay nag-anunsiyo ang piloto na babalik na sila sa pinanggalingang airport. Pagbalik sa JFK, tinanggal si Ghansham sa flight dahil isa itong ‘disruptive passenger­’. Sandaling kinuwestiyon ng mga airport police si Ghan­sham bago hinayaang makaalis.

Sa panayam kay Ghansham, itinanggi niya na isa siyang “disruptive passenger” dahil wala namang sigawan, sakitan na naganap sa pagitan nila ng cabin crew. Tinawag lang niyang “waiter” ang cabin crew dahil nainis siya na hindi siya tinulungan nito sa kanyang luggage.

Dalawang araw pagkatapos ng insidente, kinontak ng American Airlines si Ghansham at humingi ito ng apology. Bilang compensation sa nangyari, nagbigay ang airline ng 10,000 miles ngunit hindi ito tinanggap ni Ghansham. May report din na ang lahat ng pasahero sa naturang flight ay nakatanggap ng airline miles.

vuukle comment

GUYANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with