^

PSN Opinyon

Shabu haul sa Batangas, maraming katanungan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAG-IWAN nang maraming katanungan ang nasabat na P13.3 bilyon na halaga ng shabu sa Alitagtag, Batangas. Natuwa si President Bongbong Marcos sabay sabing iyon ang tunay na trabaho walang patayan o anumang kaguluhan.

Kaya lang, dahil pangalawang araw na nang magsadya si BBM sa lugar at imbes na P13.3 bilyon ang halaga ng nakumpiskang shabu ay naging P9.6 bilyon, abayyy kung anu-anong negatibong komento ng citizens sa social media na hindi maganda ang dating sa Palasyo.

Kaya hayun, busy ngayon sina Kuya Cesar at Kuya Dick sa pag-damage control para maging positibo ang nasabing isyu vs droga, na masabing pinaka sa history ng Pinas. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Maging sina Interior Secretary Benhur Abalos at PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ay hindi masabi kung saan galing ang sangkaterbang shabu. Sa parte naman ni PDEA director general Moro Lazo may nakumpiska silang yate at dito isinakay ang droga. Kaya lang nanatiling­ Marites lang ito dahil wala naman silang maipakitang ebi­densiya na ang shabu ay isinakay sa yate. Sanamagan!

Ang shabu ay nakumpiska malapit sa laot na kaharap ng China kaya ang putok ay dun nanggaling ito. Kapag sa kabilang bahagi kasi ng Pinas, ang parating ay cocaine, ecstasy at iba pa. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kumalat din sa kalye na ang shabu ay “pasalubong” kay Marbil. Ano ba ‘yan? Kasi nga, sariwa pa sa isipan ng mga kosa ko na ang nakumpiskang 990 kilos ng shabu kay Sgt. Rodolfo Mayo Jr. sa Tondo noong 2022 ay “pasalubong” sa incoming PNP chief. Si ex-PNP chief Junaz Azurin mismo ang nagbigay ng ideya na ito sa ginanap na hearing ni Rep. Robert Barbers ng House Committee on Dangerous Drugs. Mismooooo!

Kung sabagay, kinaugalian na kasi sa PNP na kapag may bagong upong opisyal, ang mga eager beaver nilang tauhan­ ay kakasa ng “pasalubong,” hindi lang sa malakihang droga kundi maging mga hardened criminals. Get’s n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

At higit sa lahat, may teorya pang diversionary tactic lang itong shabu sa Alitagtag. Ang ibig sabihin ng mga kosa ko, kusang ipinahuli ang toneladang shabu para iiwas ang iba pang mas malaking shipment sa ibang parte ng Pinas. Sanamagan!

Kung sabagay, gawain talaga ito ng mga drug syndicates dahil sobra-sobra naman ang supply nila, di ba mga kosa. Kaya lang, high grade ang nakumpiskang shabu dahil nang patakan ito ng chemist ng chemicals ay biglang naging asul ang kulay nito. Sa mga mahinang klase kasi, mag-pink muna bago mag-asul. Sal-it!

Sinabi ng mga kosa ko na imposible ring isakay ang toneladang droga sa sasakyan na Foton, na gawa sa China dahil sa sobrang bigat, puputok ang mga gulong nito. Sanamagan! At ang driver nito, na ex-militar na Fil-Am binayaran lang ng P6,000 para i-drive ang sasakyan na naglalaman ng bilyones na droga? Hayyy life!

Malakas naman ang paniwala ni Dipuga na hindi moro-moro ang pagkakumpiska ng shabu sa Alitagtag. Kailan kaya ang kasagutan sa mga tanong sa itaas?  Dapat palakpakan natin ang mga players sa pagkumpiska nito. Abangan!

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with