^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan, pag-abuso sa paggamit ng e-bikes

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bantayan, pag-abuso sa paggamit ng e-bikes

Binigyan ni President Ferdinand Marcos Jr. ng isang buwan na palugit bago hulihin ang e-trikes, e-bikes, tricycles, pedicabs, pushcarts, kuliglig at mga katulad na sasakyan na dumadaan sa mga ­pangunahing lansangan sa Metro Manila. Ipinagbawal ang e-bikes noong Abril 15. Marami agad ang nahuli at natiketan ng Metropolitan Manila Development ­Authority (MMDA) sa unang araw. Pinagbayad ng P2,500 ang mga drayber ng e-trikes at inimpound ang mga sasakyan. Hinakot sa impounding area ng MMDA.

Makalipas ang tatlong araw, ipinag-utos ni Marcos sa lokal na pamahalaan na bigyan ng palugit ang paghuli sa e-bikes at iba pang e-vehicles.  Ayon sa Presidente, kailangang mabigyan nang sapat na information campaign ang mga may-ari ng e-bikes. Kailangang malaman ng mga ito na ipinagbabawal ang mga nabanggit na uri ng transportasyon sa mga pangunahing kalsada. Kailangan ding may lisensiya ang mga driver ng e-trike at dapat nakarehistro ito sa kanila.

Gayunman, nilinaw ng Presidente na mananatiling bawal ang pagdaan ng mga e-bikes sa mga pangunahing lansangan alinsunod sa regulasyon ng MMDA. Kahapon, sinabi ng MMDA na ibabalik nila ang nako­lektang multa sa mga drayber ng e-bike at ganundin ang na-impound na e-bike at katulad na sasakyan.

Ngayong binigyan ng palugit ang pagyaot ng e-bikes, madadagdagan na naman ang mga nangyayaring ­aksidente sa kalsada. Sa isang buwan na palugit, maa­aring may buhay na masayang. Kamakailan lang, isang matandang babae sa Marikina ang namatay makaraang masagasaan ng e-bike na ipinanghahatid sa school. Tumilapon ang matanda sa lakas ng pagsalpok ng e-bike. Sa pinakahuling report, nakapagtala na ng 900 insidente ng e-bike sa Metro Manila. May mga estudyante na ­hinahayaang magmaneho ng e-bike. Karamihan sa mga ito ay walang nalalaman sa batas ng trapiko. Maraming e-bikes at e-trikes na pinanghahakot ng paninda ang ­biglang tumatawid sa mga pangunahing kalsada gaya ng Roxas Boulevard. Lubhang delikado ang ginagawang ito na marami ang nagbubuwis ng buhay.

Mas makabubuti na hindi na ini-extend ng Presidente ang pagbabawal sa e-bikes. Alam naman ng mga may-ari ng e-bikes na bawal sila sa mga ­pangunahing kalsada kaya hindi na kailangang i-extend pa ng isang buwan. Ang pagbibigay ng palugit ang nagiging daan para umabuso.

Walang ipinagkaiba sa palugit na laging binibigay sa mga grupo ng transport group kaya naman inaabuso. Kapag hindi pinagbigyan, magtitigil pasada. Maaaring umabuso rin ang mga may-ari ng e-bikes at hindi na aalis sa kalsada. Dapat ipinagpatuloy ang paghuli para wala nang aksidente sa kalsada.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with