Tattoo ng pulis, pinabubura ni Marbil!
Now it can be told! Maging si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ay walang kamuwang-muwang na siya ang papalit kay ex-PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. noong Abril 1. Sinabi ng mga opisyal ng PNP na nasa grandstand sila ng dumating si Marbil na nakasuot ng ceremonial blue o blue duck uniform tulad ng kanyang kasamahan sa directorial staff, support units at iba pa.
Maliban kay Acorda, ang nakasuot ng ceremonial white o white duck uniform ay ang command group na sina Lt. Gen. Emmanuel Peralta, ang Deputy Chief for Administration; Lt. Gen. Michael John Dubria, ang Deputy Chief for Operations, at Lt. Gen. Jon Arnaldo, ang The Chief for Directorial Staff (TDCS).
Maya-maya dumating si President Bongbong Marcos subalit hindi ito kaagad bumaba sa sasakyan niya, ayon sa mga kosa ko. Kasabay nito, may tumawag kay Marbil at doon na nabago ang takbo ng buhay niya. Mismooooo!
Biglang nawala sa grandstand si Marbil at nang bumalik ito pagkalipas ng ilang minute ay nakasuot na ng white duck. Hindi lang ‘yan! Umupo rin ito sa silya na dapat uukupahin ng incoming PNP chief. Kaya’t alam na ng mga naka-attendance ng police officials na si Marbil na ang kanilang CPNP. Get’s n’yo mga kosa?
Imbes na assumption of command ang programa, pinalitan ito ng change of command. Ang personal flag naman ni Marbil ay itataas matapos ibaba ang personal flag ni Acorda. Kaya’t naiwang tulala si Peralta, kasi sana mag-a-assume s’ya bilang Officer-in-Charge ng PNP, alinsunod sa kautusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Dipugaaaaa!
Sa paghirang sa kanya bilang PNP chief, maging si Marbil ay nagulat. Halatang hindi s’ya preparado dahil maigsi lang ang speech n’ya at higit sa lahat wala ang pamilya n’ya. Late dumating na ang ibig sabihn ay late rin sinabihan. Mismooooo!
Maayos naman ang takbo ng change of command ni Marbil kaya lang kumalat ang Marites na may nagmurahan sa white carabao. Ewan ko kung ano ‘yon no. Mukhang may pinag-usapan na hindi nasunod, ganun ba ‘yon mga kosa? Maagap lang itong battalion commander na si Maj. Gen. Neil Alinsangan at pinatay n’ya ang mike kundi maririnig ni BBM, Bersamin, Interior Secretary Benhur Abalos, nga police officials at guests ang pagmumura ng isang opisyal. Sino s’ya? Itanong n’yo na lang sa mga pulis sa Camp Crame mga kosa at open-secret na ang murahan na ‘yan. May nawalan kaya ng pitsa? Araguyyyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
So far, so good naman ang dating ni Marbil sa mahigit dalawang linggo n’ya sa trono ng PNP. Tanggap at hinangaan ng mga pulis ang mga reporma na inihain n’ya tulad ng pag-download ng mga pulis sa kalye, maging ng mga behikulo at iba pang kagamitan.
Sa ngayon, pinapirma ni Marbil ng waiver ang mga kapulisan na burahin na ang mga tattoo nila sa katawan. Kasi nga naman, hindi maganda sa mata ng mga Pinoy na ang mga pulis ay may tattoo dahil magmukha silang kriminal at hindi mapagkatiwalaan. Eh di wow! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito.
Suportahan natin ang mga hakbangin ni Marbil mga kosa para lalong mapalapit ang mga Pinoy sa ating kapulisan. Abangan!
- Latest