^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ipaliwanag ang ‘secret deal’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ipaliwanag ang �secret deal�

Hindi lamang ang Senado ang magsasagawa ng imbestigasyon sa secret deal ni dating President Rodrigo Duterte at ni Chinese President Xi Jinping, pumasok na rin ang House of Representatives. Gustong ipatawag ng House ang dating Presidente sa pinasok na kasunduan sa China.

Sabi ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, ipaprayoridad­ ng Kamara ang imbestigasyon sa “secret deal” ni Duterte at Xi. Ngayon aniyang inamin na ng dating Presi­dente na may naganap na kasunduan, dapat itong unahin na maimhestigahan. Ayon pa kay Castro, dapat nang dinggin ng Kamara ang House Resolution 1216 na inihain noong nakaraang taon. Dapat daw managot ang responsible sa pagpasok sa kasunduan. Baka raw naibenta na ni Duterte ang WPS ay hindi pa alam ng mamamayan. Inamin mismo ni Duterte na pumayag siya sa kasunduan na hindi magpapadala ng mga gamit upang makumpuni ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal at ginagawang station ng mga sundalo.

Sabi ni Sen. Risa Hontiveros, dapat magsagawa nang malalimang pagsisiyasat ang Senado sa pina­sok nitong “gentleman’s agreement” sa China. Ayon kay Hontiveros, maituturing itong pagtataksil dahil sa pagsusuko ng soberenya sa karapatan sa WPS. Giit ni Hontiveros, dapat imbitahan si Duterte para magbigay linaw sa sinasabing secret deal.

Bago ang mainit na pagpasok ng Senado at Kamara sa isyu ng gentleman’s agreement, hinikayat na ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Duterte na ipaliwanag sa mamamayan ang “secret deal” na pinasok ng kanyang administrasyon sa China­. Ayon kay Marcos, dapat silang papanagutin sa gi­na­wang desisyon. Isa sa pinagtataka ni Marcos ay kung bakit walang nakasulat o mga nakadokumento sa sinabing gentleman’s agreement. Walang papel o video gayung isa pa namang abogado ang dating Presidente. Malaki umano ang paniwala ni Marcos na talagang isinekreto ang kasunduan.

Ang pagharap ng dating Presidente sa Kamara at Senado ay mahalaga para maipaliwanag niya ang sinasabing “secret deal” sa China. Kahit na nagsalita na siya noong isang araw at itinanggi na hinayaan niyang angkinin ang teritoryo, mas makabubuti kung dadalo siya sa pagdinig. Magpaliwanag siya sa ma­mamayan. Ang hindi niya pagsasalita sa harap ng mamamayan ay nangangahulugang may itinatago. At hindi niya masisisi ang mamamayan kung husgahan siya at tawaging “taksil sa bayan”.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with