^

PSN Opinyon

NFA palabigasan ng mga kawatan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Malinaw na pandarambong ito. Habambuhay na preso ang dapat na parusa sa mga kawatan sa National Food Authority.

Paspasang nagbenta ang NFA ng 9.6 milyong sako ng bigas nu’ng 2021-2022. Emergency buffer stocks dapat ito. Pero pinalabas ng opisyales na mabubulok na ang bigas, kaya dapat nang ibenta.

Limampung kilo kada sako, o kabuoang 480 milyong kilo ang 9.6 milyong sako. Ibinenta sa dalawang wholesalers sa presyong P25 lang kada kilo. Walang public auction. Ipinasa ito ng dalawa sa magtitingi nang P32 kada kilo. Tubong lugaw! Tumiba sila ng P3.36 bilyon. Tiyak nagpartehan ang dalawang wholesalers at opisyales ng NFA.

Binunyag ito ni Federation of Free Farmers national ma­nager Raul Montemayor. Binigay sa kanya ng NFA insiders­ ang dokumentos. Sangkot ang NFA top management­ at governing council directors, ani FFF chairman Leonardo Montemayor sa Sapol-DWIZ.

Tungkulin ng NFA bumili ng palay sa magbubukid bilang emergency buffer stocks. Tumatagal ang palay nang mahigit anim na buwan at ang bigas nang tatlong buwan sa bodega. Pero kabibili pa lang sa magpapalay, pinabayo agad ito ng NFA bilang bigas, anang magtiyuhing Montemayor. Tapos, dinoktor ang papeles para kunwari’y tatlong buwan nang nakaimbak ang bigas, kaya dapat nang ibenta.

Tatlo ang elemento ng plunder: mahigit P50 milyon ang sangkot, kombinasyon o serye ng krimen tulad ng falsification of public documents at kawalan ng public auction, at personal na pakinabang.

Nu’ng Pebrero 2024 sinuspindi ng Ombudsman ang bagong NFA administrator at 138 na deputies, regional direc­tors, at bodegero. Nagbenta kasi sila ng 75,000 sako o 3.75 milyong kilo ng bagong bigas.

Mas malala ang binunyag nina Ka Leonie at Ka Raul. Tugisin sana ng Ombudsman ang mga dating opisyales ng NFA.

vuukle comment

NFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with