^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Trapik sa MM solusyunan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Trapik sa MM solusyunan

Kung anu-anong paraan na ang naiisip para masolusyunan ang grabeng trapik sa Metro Manila particular sa EDSA, Commonwealth Avenue, ­Mindanao Avenue, Quezon Avenue at Roxas Blvd. Ang mga nabanggit na kalsada ay usad-pagong ang mga sasak­yan. Halos araw-araw ay grabeng trapik ang nararanasan. Kahit agahan ng pasok ng mga empleyado, nali-late pa rin sila dahil sa sobrang trapik. Ang pinakadabest na magagawa ng commuters ay sumakay ng train. Pero dusa rin sapagkat super haba ng pila sa train. Bago makasakay ay inaabot ng kalahating oras kaya late pa rin silang dumarating sa trabaho.

Dahil sa nararanasang trapik, isang paraan ang naisip ng Metro Manila Council (MMC) at ito ay pag-a-adjust sa oras ng trabaho sa lahat ng local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR). Ayon sa resolusyon na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Abril 15 ay 7:00 a.m. ­hanggang 4:00 p.m. ang pasok ng mga kawani ng gobyerno. Ang hakbang ng MMDA ay para masolusyunan ang pagsisikip ng trapiko.

Ayon sa MMDA, ang tradisyonal na 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. na oras ng trabaho sa government offices ay sumasabay sa oras ng pagtatrabaho ng mga empleyado sa private companies. At ito ang dahilan ng pagsisikip ng trapiko.

Maganda ang naisip na ito pero maaari pa ring magdulot ng trapiko ang ini-adjust na oras ng trabaho. Pinaaga lang ito ng isang oras kaya maaaring magtagpu-tagpo rin sa hintayan ng sasakyan ang mga kawani ng gobyerno at pribado. Kung ganito, balewala rin. Wala namang masama kung subukan.

Isa sa mga dahilan kaya matrapik sa mga panguna­hing kalsada sa MM ay dahil sa posibleng lumuwag. Ayon sa Land Transportation Office (LTO), nasa 24.7 ­milyong sasakyan ang hindi rehistrado. Napakarami nito at dapat lamang gumawa ng hakbang ang LTO kung paano malalambat. Malaking pera rin ang mapapakinabang kung mahuhuli ang mga hindi rehistradong sasakyan.

Sinabi minsan ni LTO chief Asec. Vigor Mendoza II, magsasagawa sila nang maigting at agresibong operasyon sa pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy ngayong 2024 para mahuli lahat ang mga sasakyang hindi rehistrado. Hindi umano titigil ang LTO hangga’t hindi nairerehistro ang 24.7 milyong motor vehicles.

Isa pa rin sa dapat tuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang pagtatayo ng mga skyway at mga railways. Kamakailan, napabalita na lalagyan ng elevated expressway ang EDSA. Magandang ideya ito para masolusyunan ang trapik. Sana maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with