^

PSN Opinyon

Stop na ang tigil-pasada

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Parang plakang sira na ang protesta ng ilan sa transport sector sa modernisasyon ng mga public utility jeepney na may kasamang franchise consolidation. Balak muli nila na maglunsad nang malawakang transport strike dahil hindi na palalawigin ng pamahalaan ang deadline sa consolidation. Ang mga hindi makapagko-consolidate ay ituturing nang colorum.

Ngunit ang programa ay sinimulan noon pang administrasyon ni Presidente Duterte noong 2017 pero hindi naipatutupad hanggang ngayon dahil sa katututol ng iba sa transport sector na wala raw sapat ng pananalapi para maka-comply sa modernisasyon ng kanilang sasakyan.

Sa ngayon, sinabi ng Land Transportation and Regulatory Board (LTRFB) na  halos 80 porsiyento na ng mga PUJ ang nakapag-consolidate na. Ibig sabihin, nagsama-sama sila sa isang cooperative at pinag-isa na ang kanilang prangkisa.

Mula 2017 hanggang ngayong 2024, hindi pa ba nakapaghanda ang mga nasa transport sector sa iskemang ito na maganda naman ang layunin? Sa mga nauna kong kolum, kinatigan ko ang hinaing ng ilan sa transport sector na maaari ngang kapos sa pananalapi ngunit nakita ko rin naman ang plano ng pamahalaan para sila ay tulungan sa pagtatamo ng loan para maka-comply.

Sa tagal ng panahong pinagbigyan sila na ipagpaliban ang deadline sa consolidation, dapat ay nakapaghanda na sila sa pagbabagong ito. Bahagi ng buhay ang pagbabago at kung hindi tayo makaaagapay, hindi uunlad ang bansa.

Sa patuloy na pag-init ng klima, hindi na puwedeng maalinsangan ang mga public utility vehicles. Kailangan ang mga makabago at air conditioned na sasakyan na hindi nagbubuga ng nakalalasong usok sa kapaligiran na lalong nagpapalubha sa climate change.

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with