^

PSN Opinyon

Maraming sustansiya ang dulot ng malunggay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ALAM ba ninyo na napakasustansiya ng malunggay? Bukod sa gulay ng malunggay, marami rin ngayong nagbebenta ng malunggay bread, malunggay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malunggay.

Very healthy ang malunggay at madali lang itanim. Ang sabi nga ng mga negosyante ay baka malunggay ang magpalakas ng ekonomiya ng Pilipinas. Alamin natin ang galing na naidudulot ng malunggay:

1. Maraming bitamina. Ang dahon ng malunggay ay punung-puno ng calcium at iron. Ang calcium ay nagpapa­tigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, sagana ang ma­lunggay sa iron na nagpaparami ng ating dugo.

2. Mataas sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants. Ito ‘yung lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan.Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bita­mina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat masanay ang bata na kumain nito.

3. Ang bunga ng malunggay ay masustansya at mataas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus. Dahil sa taglay na bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat at malnourished na bata. Mura at ma­sustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno at mga volunteer groups.

4. Pampalakas ng katawan. Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.

5. Pamparami ng gatas ng ina. Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain din ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede rin pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.

6. Para sa constipated. Kapag tinitibi, kumain ng 1-2 tasang dahon ng malunggay. Makatutulong ito sa pag-normal ng pagdumi.

7. Itapal sa sugat. Kapag may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na malunggay leaves sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat.

8.Marami pang kapakinabangan na tinatago ang malunggay. Magtanim na ng malunggay sa inyong bakuran. Alamin kung paano gagawing negosyo ang malunggay.

(Mula sa kolumnista: mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya, mapa-online, YouTube at iba pang channel ang artikulong ito.)

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with