^

PSN Opinyon

IMEG, ikinasa vs ‘attack dogs’ ni Tata Rudy!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Ayaw ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na gaga­mitin ang kapulisan sa kawalanghiyaan. Kaya hindi nangimi si Marbil na magpadala ng mga operatiba ng Integrity Moni­toring and Enforcement Group para imbestigahan ang paggamit ni Tata Rudy ng mga taga-S2 ng Rizal PNP sa kanyang raket. Araguyyyyy! Kinausap na ng taga-IMEG ang mga peryante na biktima ng pagharabas ng taga-S2 na “attack dogs” ni Tata Rudy.

Dahil kumpirmado na ang raket ni Tata Rudy, bilang na ang araw ng taga-S2 ni Rizal PNP director Col. Felipe Ma­raggun. Hindi sasantuhin ni Marbil ang pagka-tulisan n’yo. Mismooooo! Hehehe! Maging si Calabarzon police director­ Brig. Gen. Kenneth Lucas, ay nag-iimbestiga rin sa reklamo­ vs Tata Rudy. Dipugaaaaa!

Kung sabagay, hindi lang naman mga financier’s ng perya at iba pang sugal lupa ang galit dito sa tropa ni Tata Rudy kundi maging ang kapulisan, lalo na ang mga PCP comman­ders sa Antipolo City. Kung tumara kasi ang tropa ni Tata Rudy ay “lagom” o ang ibig sabihin ay pangkalahatan na. Kaya abot-langit ang presyong kinokolekta nila dahil ang pagyayabang ng grupo ni Tata Rudy ay hawak nila sa leeg si Ma­raggun at si Antipolo City police chief Lt. Col. Ryan Manongdo. Get’s n’yo mga kosa?

Halimbawa, kung ang dating ayuda ng mga operating­ units ng Rizal ay may kabuuang P15,000, naging P30,000 ito weekly sa singil ng tandem na kolektor na sina alyas Nano at Sgt. Pacheco. Nakaka-stress talaga ito para sa mga financier’s. Sino ang papalag aber? Dipugaaaaa! He­hehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang siste lang, ni singkong duling ay walang nakakarating­ sa PCP commanders samantalang ang mga sugal lupa ay nasa kaharian nila. Bukol ang mga PCP commanders. Kung dumiskarte naman sila, tiyak kararampot lang ang dampot nila. At dahil nabubulgar ang raket nila, nag-lie low ang taga-S2 kaya lang tuloy naman ang koleksiyon nina Nano at Sgt. Pacheco gamit si alyas Nonoy. Kay lufet naman pala nitong tropa ni Tata Rudy, no mga kosa?

Kaya dapat na talagang tuldukan ni Marbil itong raket ni Tata Rudy, dahil ang imahe ng PNP ang nadudungisan dito. Anong sey  n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dating pulis si Tata Rudy kaya’t alam niya ang kalakaran. Imbes na tulungan ang mga pulis eh ginagawa pa niyang gatasan. Totoo ba na itong si Tata Rudy din ang management ng Small Town Lottery ni John Yap sa Rizal? Abayyyyy alamin din dapat ni Marbil kung bino-bookies ni John Yap ang kanyang STL na ginagawa naman ng lahat ng financier’s. Mismooooo! Kaya naman kinuha ni JY ang serbisyo ni Tata Rudy dahil sa relasyon nito sa pamilya ng Ynares. Ano pa nga ba? Ang sakit sa bangs nito!

Iparebisa rin ni Marbil ang reklamo laban sa taga-S2 na agawan ng lupa sa boundary ng Taytay at Antipolo.. Ipadala rin ni Marbil ang IMEG sa patupada ng tropa ni Tata Rudy malapit sa Busay Resort tuwing Sabado at Linggo. Apektado rito ang Antipolo cockpit na pag-aari ni Manny Co.  Hehehe! Nakaka-stress din itong mga reklamo laban sa tropa ni Tata Rudy. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with