^

PSN Opinyon

Acorda, itotodo ang termino hanggang Marso 31!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KUNG si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang tatanu­ngin, nais niyang itodo ang kanyang termino hanggang Marso 31. Kaya lang, hindi naman si Acorda ang magdedesisyon kundi ang Palasyo. Mismooooo! Halos ilang araw na lang ang Marso 31 subalit wala pang komunikasyon ang Palasyo kung kailan tuluyan nang magreretiro si Acorda. “Well I go with the order. The order was based on what was given to me is on December 3,” ani Acorda. “So ang March 31 so ang mindset natin within that period I should be able to complete what I have set as targets for that extender period and hoping na ma-maximize ko ‘yung March 31,” sabi pa niya.

Nilinaw ni Acorda na nagkaroon na sila ng komunikasyon sa Palasyo para sa turnover of command sa Marso 27 o sa Abril 1. Kahapon naman, naglabas ang PCOO ng media­ advisory na sinasabing ang turnover of command sa PNP ay bukas, March 27, at si President Bongbong Marcos ang guest of honor at retirement honors ni Acorda. Kaya lang, hindi naman sinabi sa advisory ng PCOO kung sino ang papalit kay Acorda. Bitin pa rin, no mga kosa? Sinabi ni Acorda na nagkaroon na s’ya ng briefing kay BBM subalit, aniya, “Yeah. ‘Yung supposed meeting unfortunately­, we know the schedule of the President, he is busy but never­theless we are just waiting for further instructions.”

Si Acorda ay dapat magretiro na noong December 3 sa kanyang 56th birthday subalit na-extend ni BBM ang termino niya hanggang Marso 31. Tulad noong December, iginiit ni Acorda na may napipisil siyang PNP officials na nais niyang papalit sa kanya. “I think I was asked the same question last December and I will give you the same answer. Of course I have something in mind but unless asked saka ko ibibigay,” aniya. Nauna rito, sinabi ni Acorda na tatlo sila, kaya lang… Sorry po mga kosa, laking intel kasi itong si Acorda kaya tikom ang bibig niya.

Kung seniority ang labanan, wala nang iba ang papalit kay Acorda kundi si Lt. Gen. Rhoderick Armamento, ang commander ng Area Police Command (APC) Southern Luzon­. Si Armamento ay miyembro ng PNPA Class ’90. Kaya lang, dahil sa iringan nina BBM at Tatay Digong, plus factor na sa bagong PNP chief ang pagiging Full Bloodied Ilocano (FBI), tulad ni Acorda na taga-Bacarra, Ilocos Norte. Ang kasalanan lang ni Armamento, hindi siya FBI.

Para sa PMA graduates naman, apat na lang ang natirang FBI, na puro miyembro ng Class ’92. Sila ay sina Maj. Gen. Ronald Lee, ng Directorate for Operations; Maj. Gen. Mario Reyes, ng Directorate for Logistics; NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez at Brig. Gen. Matthew Baccay, deputy ng DPRM. Lamang sila ng isang paligo sa classmate ni Acorda na si Maj. Gen. Rommel Marbil­, ng Directorate for Comptrollership, na tinutulak naman ni House Speaker Martin Romualdez. Teka nga pala, umuugong na mae-extend muli si Acorda. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with