^

PSN Opinyon

Ex-Pres. Duterte pro-Cha-cha na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISA sa top news ng Pilipino Star NGAYON kahapon ay ang pagkampi na ni dating Presidente Duterte sa Charter change (Cha-cha). Ano ang rason sa kanyang pagbabago ng ka­isipan? Baka sabihin niya, only fools don’t change their minds.

Sa tingin ko, hindi naman talaga nagbago ang paninin­digan niya kundi paraan ito upang kumambiyo sa kanyang dating pahayag na kontra sa mga tagapagsulong ng Cha-cha  na kaalyado niya. Nilinaw lang kung ano ang ina­ayawan  niya sa pagbabago ng Saligambatas.

Ito ay ang term extension o pagpapalawig sa termino ng mga halal na opisyal. Masyado nga namang self-serving kung ganyan ang lihim na motibo ng mga tagapagsulong ng Cha-cha. Maaalala na nagpuyos sa galit ang dating Pre­sidente up to the point na tinawag niyang adik sa droga si President Bongbong Marcos.

Nagbanta pa si Duterte na ihihiwalay niya ang Mindanao­ sa Pilipinas na umani ng tuligsa nang maraming ma­ma­mayan dahil rurok ito ng kataksilan sa Inambayan ng isang dating naglingkod bilang  Presidente.

Naramdaman marahil ni Duterte ito kaya agad kumambyo­ at sinabing federalism ang isinusulong niya at hindi secession. Magaling ang dating Presidente sa pagkambyo kapag sumabit ang kanyang mga pahayag.

Ngunit naniniwala ako na ang paghahayag ng galit ni Duterte ay ang kanyang napipintong pag-aresto ng  Inter­national Criminal Court (ICC) upang papanagutin siya sa ipinaparatang na crime against humanity sa ilalim ng kan­yang giyera kontra sa droga.

Mukhang payapa na naman ang usapin sa ICC kaya siguro pati mood ng dating Pangulo ay huminahon.

vuukle comment

CHA-CHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with