^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Huwag hayaang mamatay ang ipinaglaban sa EDSA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Huwag hayaang mamatay ang ipinaglaban sa EDSA

NGAYON ang ika-38 anibersaryo ng EDSA people power revolution. Mahaba-haba nang taon ang lumipas mula nang mapatalsik ang diktador na si President Ferdinand E. Marcos sa Malacañang. Dumagsa ang mga tao sa EDSA at hindi na napigilan ng mga sundalo ni Marcos. Limang araw tumagal ang EDSA revolution na walang dumanak ni ga-patak na dugo.

Hindi malilimutan ang mga naganap sa EDSA kung saan nagkapit-bisig ang mga tao sa harap ng Camp Crame at Camp Aguinaldo. Hinarangan ng kanilang katawan ang mga tangke para maprotektahan sina dating Defense Minister Juan Ponce Enrile at ­dating AFP Vice chief of Staff Fidel V. Ramos. Inalis ng dalawa ang suporta kay Marcos na lalo pang nagpasidhi para dumami pa ang mga tao.

Hindi na nakagalaw ang mga tangke ng sundalo ni Marcos sapagkat humarang ang mga tao. Matapang na nagsama-sama sa kabila na nakaumang ang mga baril ng mga loyalista ni Marcos. Walang tuminag at lalong nag-alab ang pagmamahal sa bayan na inangkin ng isang tao sa loob ng 20 taon. Piniringan at binusalan ang media. Mara­ming pinatay ang mga asong tagasunod. Itinapon sa talahiban, tabing sapa at damuhan. Maraming pinatay ang hindi na natagpuan at ngayon ay nananatiling bangungot sa mga mahal nila sa buhay.

Habang marami ang naghihikahos, walang makain at nagrerebelde ang mga bituka, ang kaban ng bayan ay inubos. Maraming kinulimbat na hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nababawi.

Limang araw ipinakita ang pagkakaisa sa EDSA para mapalayas ang nagsamantala at sana, hindi masayang ang pagsasama-sama. Sana hindi mamatay at pag-alabin ang pagkakaisa para hadlangan ang sinumang mangungulimbat, yu­yurak at magsasamantala sa bayan. Naipakita na ang pagkakapit-bisig sa EDSA at hindi ito dapat masayang at mabura sa isipan. Huwag hayaang mabawi ang napagtagumpayang kalayaan.

Huwag hayaang mamatay ang ipinaglaban sa EDSA. Tumindig at lumaban kung may pinunong aagawin ang kalayaan ng mamamayan. Huwag hayaang maulit ang 20 taong bangungot na sumakmal sa bayan.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with