^

PSN Opinyon

Mga advocates ng Cha-cha desperado

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Lahat ng palsong taktika ay gagamitin na yata ng mga tagasulong ng Charter change upang magtagumpay. Alam ko na tanging Mababang Kapulungan lang ang mainit na maisulong ito at ang Senado ay tutol. Very unpopular­ kasi ang ideyang ito dahil halatang may nakakubling agenda.

Matapos mabisto ang bilihan ng lagda para maisagawa­ ang Cha-cha sa pamamagitan ng Peoples Initiative, tina­tangka naman ngayon na maglunsad ng kudeta sa Senado.

Kung mapapalitan nga naman si Senate President Juan Miguel Zubiri na tutol sa Cha-cha ng isang pabor sa pag-amyenda sa konstitusyon, malamang magkaroon ng tsansa na ito ay pumasa sa Senado.

Iyan ang suspetsa ng ilang senador kaugnay nang kumalat na balitang may namumuong plot sa Senado na pa­litan si Zubiri.

Ihinto na sana ang mga pagtatangkang ito na ang tanging­ nakikita kong rason ay vested interest ng mga pulitiko. Iyan nga ang dahilan kung bakit nagwala si dating President Duterte at nagbantang ihihiwalay niya ang Mindanao sa Pili­pinas.

Nakasilip lang si Duterte ng butas ngunit ang totoong da­hilan ng kanyang pagmamarakulyo ay ang naamoy niyang balak na siya ay arestuhin na ng International Criminal Court (ICC).

Ano man ang tunay na dahilan, Cha-cha pa rin ang isi­nangkalan ni Duterte sa kanyang pagngingitngit. Kaya napa­kalaki na ng perwisyong naidulot ng Cha-cha sa bansa.

Itigil na sana ito bago magbunga ng higit na seryosong pinsala.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with