Mga Pinoy, pinapatay ng smuggled cigarettes!
ANG mga smuggled at illegally manufactured cigarettes, na ikinakalat sa halos lahat ng parte ng Mindanao, ay hindi lang may sangkap na toxic chemicals na cadmium at lead na delikado sa kalusugan, kundi may iba pang halong ‘di kanais-nais na bagay.
Ayon sa pagsusuri, itong smuggled at illegally manufactured cigarettes ay natuklasan ding may sangkap na insect parts, rat droppings, at minsan pa ay may dumi ng tao dahil hindi dumaan ang mga ito sa quality control. Araguyyyyy!
Kapag palagi kang humihithit ng ganitong klaseng sigarilyo malaki ang tsansa na maapektuhan ang inyong lungs at magiging sanhi ng maagang kamatayan. Tsk tsk tsk! Parang unti-unting pinapatay ang mga Pinoy dahil sa talamak na cigarettes smuggling sa southern backdoor ah. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kaya ang panawagan ng mga health experts sa mga Pinoy brothers natin sa Mindanao ay huwag tangkilikin ang smuggled cigarettes para makaiwas sa lung cancer at iba pang mga sakit dulot ng paninigarilyo. May ulat kasi na halos 80 porsiyento ng sigarilyo sa Mindanao o walo sa 10 piraso ay galing sa illegal source, tulad ng smuggling. Barko-barko kung dumating ang mga sigarilyong ito galing sa Indonesia at Malaysia, anang mga kosa ko.
Dahil sa ang Zamboanga peninsula ay napaligiran ng dagat, ang sigarilyo na kumakalat sa kalye doon ay galing sa smuggling. Ang masama pa, nakakarating na ito sa mga karatig pook ng Mindanao tulad ng Palawan at Cebu. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Dahil hindi sila nagbabayad ng buwis, siyempre mas mura kung itinda ang mga smuggled cigarettes at mabibili ito sa P35 kada pakete kumpara sa P130 per pack sa legal na sigarilyo. May report pa na itong mga illegal na sigarilyo ay ibinibenta sa mga batang below 18 years old, na taliwas sa warning ng gobyerno. Get’s n’yo mga kosa?
Napansin itong cigarette smuggling matapos bumaba ang kinikitang buwis ng gobyerno mula rito. Dahil hindi mapigilan ang paglobo ng utang ng Pinas, na umabot na sa P14.5 trilyon noong taong 2023, aba malaking bagay sana ang P60 bilyon na makolektang buwis sa sigarilyo para ibayad sa utang. Tumpak! Eh di wow!
Ang ibig sabihin pala ang bawat isa sa 113 milyong Pinoy ay may utang na aabot halos sa P2,000. Araguyyyyy! Get’s n’yo mga kosa? Simple lang naman ang solusyon sa problemang cigarette smuggling at ‘yan ay higpitan ang seguridad ng ating southern backdoor. Bakit parang nahihirapan ang gobyerno ni BBM na gawin ito? Sino ang kumikita sa cigarette smuggling? Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito.
Hindi lang ‘yan, sa ilalim ng tobacco excise tax, ayon sa R.A. No. 11346, 40 posiyento sa nakolektang tax sa sigarilyo ay mapupunta sa Philhealth, 10 porsiyento naman sa DOH-Health facilities enhancement program at ang natitira ay sa mga probinsiya, siyudad at munisipyo na ang produkto ay tabako at sa national budget.
Maraming health programs ang ninanakawan ng pondo kaya kahit hindi pala naninigarilyo ang Pinoy ay papatayin pa rin ng cigarette smuggling.
Abangan!
- Latest