Abusong paggamit ng kapangyarihan
Hindi makikialam ang korte sa imbestigasyong ginagawa ng mga taga-usig kung walang grabeng pag-aabuso sa pagpapasiya sa imbestigasyon. Kaya hindi mauutusan ng korte ang taga-usig na akusahan ang isang tao. Ito ang ipaliliwanag sa kaso ni Romy.
Si Romy ay nasa pag-aalaga ng isang ahensya ng mga madre dahil mahina ang pag-iisip niya. Noong siya ay isang taong pa lamang ang mag asawang Jorge at Lina at mga anak nila ay nakilala si Romy at inalagaan ito sa kanilang bahay ng ilang araw. Pagkaraan ay binalik na nila ito sa bahay ampunan ng mga ulila, sa pangangalaga ng mga madre dahil napansin nila si Romy at tila may depekto at hindi siya makalakad. Gumagapang lang siya na parang palaka at ‘di makapag-salita.
Noong limang taon na siya, nakaramdam siya ng kahirapang matuto. Kaya nung labing isang taon na siya dinala siya sa isang neurologo at sikologo upang suriin at napag-alaman na siya ay may sakit sa utak at pag-iisip kaya siya ay nilipat sa iskuwela ng mga batang may sakit sa utak.
Noong 24-anyos na siya, dinala siya ng mag-asawa sa isang doktor. Matapos ang pagsusuri ng doktor tinanggalan siya nito ng kapangyarihang makipagtalik at magkaanak (vasectomy).
Makaraan ang limang buwan, dinemanda na ni Nina, na anak nila Jorge at Lina, ang doctor ng krimeng palsipikasyon, mutilasyon at pag-abuso sa bata.
Ngunit ayon sa taga-usig wala raw sapat na ebidensiya para isakdal ang doktor ng mga nasabing krimen. Ito ay kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) at ng Court of Appeals (CA). Tama ba ang CA?
Tama sabi ng Supreme Court (SC). Ayon sa SC ang vasectomy ay ‘di naman nagtatanggal sa isang tao ng kapangyarihang magkaanak kaya ito ay hindi isang krimeng mutilasyon o pagsira ng kapangyarihan magkaanak. Hindi nito tinatanggal ang kasangkapan ng reproduksyon o panganganak. Sabi ng SC ang mga korte ang makakapagpasya lang kung may kasalanan o walang sala ang isang tao pero wala silang kapangyarihang isakdal ang isang tao maliban na lang kung inabuso ng taga-usig ang pag-iimbestiga o pagsasakdal ng krimen ang isang tao (Aguirre vs. Secretary, Department of Justice, et. Al. G.R. No. 170723, March 3, 2008).
- Latest