^

PSN Opinyon

Sgt. Chan, namudmod ng pitsa ala-Robin Hood!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MODERNONG Robin Hood pala itong tong collector na si Sgt. Paquito Chan. Kumalat kasi sa social media ang video ni Chan na nagpamudmod ng pera. Abayyyyy ginaya nga si idol Robin Hood. Kung sabagay, wala namang masama dito sa katunayan nakangiti ang lahat ng inabutan, maging si Chan. Ang naiwan lang na nakasimangot ay ang kinagat ng mabagsik na mga Doberman ni Chan, lalo na ang mga financiers ng peryahan. Tsk tsk tsk!

Kaya dapat lang isulong ng tropa ni Evelyn Mendoza­ ng PIPA, na maging legal itong peryahan. Hehehe! Puro lang kasi selfie sa Camp Crame, DILG, Palasyo at iba pang ahen­siya ng gobyerno itong samahan ni Mendoza para makakolekta sa mga miyembro niya ng membership fee. Action naman please!

Hindi nasabi sa social media kung saan nagpamudmod­ ng pitsa itong si Chan. Kaya lang parang nagkaroon ng tipun-tipon dahil maraming pulis doon at mga sibilyan. Sa RMFB kaya ‘yun? Si Chan, na nakasuot ng kulay asul na t-shirt at pantalon, ay may hawak-hawak na pitsa at nag-abot ng tig-P500 sa mga matatanda at tig-P100 naman sa mga pumipilang bata. Mismooooo!

Spread the sunshine lang itong si Sgt. Chan, no mga kosa? Tama lang na ikalat n’ya ang grasya para hindi s’ya aabutin ng malas. Parang si idol Robin Hood lang kaya’t minahal s’ya ng nakapaligid sa kanya. Dipugaaaaa! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ng mga kosa ko na tama lang na ikalat ni Chan ang pitsa dahil hindi naman galing sa bulsa n’ya ito. Kali­­mitan, galing ang pitsa sa sugal lupa at peryahan na kina­gat ng mga Doberman n’ya. Tulad ng asong Doberman, masakit mangagat itong mga kolektor ni Chan at sa katu­nayan, t’yak sarado ang negosyo mo kapag dinaanan nila.

Ang magandang halimbawa, mga kosa ko, ay ang peryahan sa Calabarzon area kung saan binagyo ng mga Doberman ni Chan. Kung sa Cavite noong tahimik pa ang kalakaran, abayyyyyy ang puwesto na 16 peryahan ay walo na lang ng alisan ng mga Doberman. Sa Laguna ay 15 ang puwesto sa ngayon pito na lang, sa Rizal ay 16 now sa 12 na lang, sa Batangas 65 subalit ang nakatayo now ay 23 at sa Quezon ay steady sa tatlo. Hehehe! Parang dinaanan ng pandemya itong mga peryahan sa Calabaron ah.

Hindi lang ‘yan, ang masakit pa, nagdadagdag ng mga operating unit si Chan at pati mga patay na butas ay binuhuhay para lumaki ang kita. Kasama sa ngayon sa kinokolekta ni Sgt. Chan ay ang AIGU, SarCom at SAG4. Itong AIGU mga kosa ay operating unit ng Games and Amusement Board (GAB) na ang mga ahente ay taga CIDG subalit na-terminate na. Sinabi ng mga kosa ko na ang Sarcom at “Sariling Command” at ang Sag4 naman ay “Sagad sa Porma.” Sariling butas ito ni Chan, di ba Boss Elmer? Araguyyyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Habang psyuloy ns namamayagpag itong mga Doberman ni Chan, ang kasama n’yang masaya ay ang amo nila sa PNP.

Abangan!

vuukle comment

CIDG

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with