^

PSN Opinyon

Mungkahi ni ‘Tol’ okay, pero...

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Tumpak sana ang mungkahi ni Sen. Francis Tolentino na magkaroon ng maluwag na eksplorasyon sa likas na yaman ng West Philippine Sea. Sa ganito, gagaan ang kabuhayan ng bansa. Tiyak na bababa ang halaga ng bilihin, lalo na ang mga lamandagat at pati elektrisidad ay bababa ang rate.

Ngunit sa panahong ginigipit tayo ng China sa pama­ma­gitan ng pambubuli maging sa mga sarili nating patrol ves­sels­, paanong magagawa iyan? Iyan nga ang dahilan kung bakit pilit na inaangkin ng China ang ating teritoryo na batid nitong sagana sa mga mahalagang mineral at likas na kayamanan. Kaya ultimo maliliit nating mangingisda ay pini­pigilang pumalaot sa karagatan.

May problemang pangkabuhayan din ang China at gagawin nito ang lahat  “by hook or by crook” para isalba ang nag­hihingalo nitong ekonomiya at mapanatili ang status bilang world economic power.

Nakikita naman ng buong mundo na pati ang dating pro­binsiya nitong Taiwan na mahigit 70 taon nang nagsasa­riling bansa ay pinaplano nitong maibalik bilang bahagi ng nasabing bansa. Palibhasa’y isa nang produktibong bansa ang Taiwan at malaki ang maitutulong nito kapag nakuhang muli ng China.

Tama ang tinuran ni Tolentino na himukin ang mga investors na mamuhunan sa exploration ng WPS dahil kung gob­yerno ang papasan ng gastusin, hindi natin ito makakaya­nan. Kaya ang payo ng Senador ay luwagan o gawing less res­trictive ang mga patakaran ng pamahalaan sa eksplorasyon ng naturang territorial waters natin. Ang tanong na lang ay sa papaanong paraan gayung nakaharang ang China?

Marahil kung isasama ang China sa joint exploration ay matutupad ang layunin ni Tolentino pero mukhang suntok sa buwan ito.

vuukle comment

FRANCIS TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with