^

PSN Opinyon

DA at BOC inutil sa vegetable smuggling

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Inutil na ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) kontra vegetable smuggling.

Tila hindi na nagbago ang mga taga-BOC sa na­kagawian nilang pamamaraang “tara system” kung saan “basta may padulas, pinalulusot”.

Gayundin ang DA na itinuturong ang BOC ang may sala sa talamak na smuggling sa bansa.

Mas mainam nang sa pamamagitan ng mga multi-agency task forces sa national, maging sa provincial levels, umaksiyon ang pamahalaan upang makita mismo ang suliranin sa mga pamilihan.

Magkumahog sana ang pamahalaang itayo muli ang national task force at provincial task forces upang maglibot sa mga palengkeng binabagsakan ng mga smuggled na gulay upang sitahin, usisain at panagutin pati mga nagbebenta ng smuggled na gulay.

Tiyak sa isang linggong simultaneous operations kontra smuggled vegetables sa mga pamilihan ay mamimilipit ang mga smugglers kasama ang mga kasabwat nilang taga-BOC na nagpapakasasa sa iligal nilang gawain.

Ngunit ang pamimilipit na sasapitin ng mga smugglers at mga kasabwat nila sa BOC at DA ay hindi kailanman makatutumbas ng pasakit na matagal nang nararanasan ng libu-libong vegetables farmers sa bansa, particular sa Benguet.

Sa puhunang pawis at dugo ng mga magsasaka ng gulay, napipilitan na ngang ipamigay ang kanilang mga produkto at ang iba hinahayaan na lang mabulok sa mga sakahan o tabing kalsada, dahil sa tinatamasang lugi sa pagdagsa ng smuggled vegetables.

Marahil huling hirit na ng mga magsasaka ang hiling na pagbangon muli ng anti-smuggling task forces sa national at provincial levels, bago mismong ang pamamahala ni PBBM ang ituring na inutil!

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

BOC

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with