^

PSN Opinyon

Walang katapusang problema

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa LTO, higit 60 porsiyento ng mga sasakyan sa Pili­pinas ay hindi rehistrado o paso na ang rehistro. Ang kawalan ng kita ng gobyerno ay nasa P39 bilyon ngayong taon. Malaking halaga ng pera.

Eh kaninong kasalanan iyan kundi ang gobyerno mismo. Sa ngayon, paano malalamang rehistrado ang sasak­yang bumabaybay ng kalsada? Hindi ba’t kailangang pa­hintuin, tingnan ang mga dokumento kung rehistrado nga para sa taong ito?

Ang sabi nga ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza mas hihigpitan ang mga checkpoints para malaman kung sino ang mga sasakyang hindi rehistrado. Masama na nga ang trapik sa lansangan, eto at magkakaroon ng mga mas mahigpit na checkpoint kung saan magpapatabi sila ng sasakyan. Hindi ba’t dagdag lang iyan sa trapik?

Bakit ba nawala ang mga sticker na kailangang ikabit sa mga plaka, harap at likod, tuwing nagre-renew ng rehistro? Napakadaling makita ng mga otoridad kung paso na ang buwan para sa nakatakdang numero sa pamamagitan ng mga sticker na iyan. Makitang “6” ang huling numero ng plaka sa buwan ng Hulyo o Agosto at wala pang tamang taong sticker, huli na kaagad.

Pinalitan ang mga sticker na iyan sa plaka ng sticker sa windshield na madali rin makita ng otoridad. Pero nawala rin. Kaya ngayon, rehistrado ka man o hindi, walang maki­kitang indikasyon sa sasakyan at kailangang ipatabi upang makita ang dokumento. Napakagaling talaga.

Kahit mga ibang bansa ay gumagamit ng mga sticker sa plaka kasi napakadaling makita. Sticker lang hindi ma­kuhang ipagawa ng LTO? Noon, nais ng LTO na palitan ang mga berdeng plaka ng sasakyan para sa puting plaka na “mas hi-tech” daw. May mga kilala ako na 2008 o mas luma pa ang sasakyan, berde pa rin ang plaka.

Higit isang dekada na hindi pa rin mabigyan ng tinatawag na “mas hi-tech” na plaka. May website para makita mo kung may plaka na, mukhang hindi na rin gumagana.

Kahit kaninong administrasyon ay hindi malutas ang walang katapusang problema sa LTO. Ngayon, sasabihin nila na maraming hindi rehistradong sasakyan? Siyempre, kasi hindi nahuhuli. Ngayon, magiging mahigpit na daw. Kaya pati mga sumusunod sa batas ay maantala rin kapag nataon.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with