^

PSN Opinyon

Mga sugarol na Pinoy, ayaw tumaya sa karera sa India!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HINDI tatangkilikin ng mga sugarol na Pinoy ang karera ng kabayo sa India. Nahinto pansamantala ang dry run ng naturang palaro sa mga off-track betting stations subalit, sinabi ng mga kosa, ko na magsisimula ang normal operation nito sa December 3. Kung gagawing basehan kasi ang tayaan nitong nagdaang dry run, mukhang kakain ng alikabok ang karera ng kabayo ni Boss Tsong Byan. Hindi naman tumaas sa P2,000 ang taya at malakas pa ang suspetsa ng mga kosa ko na mga “pala” pa ang tumaya rito. Araguyyyyy! Sinisiguro ng mga kosa ko na hindi tata­yaan ng mga apesyunado ng karera itong palaro mula sa India. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi ng mga kosa ko na itong karera sa India ay naka-pattern sa e-sabong at isa-isa ang labanan. Kaya pala puro mga disipulo ni gambling lord Charlie “Atong” Ang ang nasa likod nitong palaro mula India. Anong sey mo Boss Joseph Lumbad? Iginiit pa ng mga kosa ko na wala sa kultura ng mga Pinoy ang palaro kaya hindi dudu­mugin. Ang one-on-one ang labanan, mas gustuhin pa ng mga sugarol na Pinoy na tumaya sa traditional sabong, na bukas na sa ngayon. ‘Ika nga mas gusto ng mga sugarol na Pinoy ang sabong dahil nasa harap lang nila ang laban. Mismooooo!

Di tulad sa karera sa India, na mag-rely lang ang mga sugarol sa link o video na ipadadala ng counterpart ni Boss Tsong Byan sa Pinas. Malaki ang posibilidad na madaya pa ang mga mananaya dahil hindi naman nila ma-tsek kung live o replay ang labas sa video. Dipugaaaaa! Sa dry-run, ang takbo ng palaro ay MWF lang subalit kapag normal na ang operation nila tuwing week days ito. Ang target nila ay ang mga nag-oopisina na adik sa karera para makataya sila ng pindot-pindot lang. Hindi tulad sa lokal na karera na kailangan nilang tumaya sa off-track o dili kaya’y sa butas o bookies. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa tayaan sa karera sa India, ang P100 ng mga sugarol ay tatama ng P80 minus tax. Kaparehas lang sa sabong na uno vs dos na kabayo ang pipiliin. Walang thrill ito dahil­ malayo ang laban di tulad sa sabong na nasa harap mo lang. Maraming gimik ang kailangan nitong karera sa India bago sila tangkilikin ng mga sugarol, di ba mga kosa? Ang suhestiyon ni kosang Joel dela Torre ay gawing 5-6 ang tayaan, tulad ng negosyo ng mga Bombay sa Pinas. Araykupooooo!

Sa parte naman ng grupo ni Lumbad, porsiyentuhan lang sila. Kasi nga pangatlo na sila sa listahan, mula sa kontak nila sa India at si Boss Tsong Byan. Ang kagandahan lang n’yan, wala silang lingguhang intelihensiya sa mga operating units ng PNP, NBI, GAB at iba pa. Mismooooo! Teka nga pala, totoo ba na bumalik na ang WPC sa online? Anong sey mo kosang Long Mejia Sir? Hindi kay Boss Atong ‘yan? Abangan!

vuukle comment

INDIA

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with