^

PSN Opinyon

Ganito ba ang kalakaran sa PNP?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

INIUTOS na ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. na imbestigahan ang insidente kung saan dalawang beses nagpa­putok ng baril si Police Lt. Col. Mark Julio U. Abong sa labas ng bar sa Bgy. Laging Handa, Quezon City. Nais ding malaman ni Abalos ang kasalukuyang estado ni Abong sa PNP. Ang mga kasong isinampa sa kanya ay “illegal discharge of firearms, alarm and scandal, and violating the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to the Omnibus Election code, as well as physical injury and slander by deed.”

Maraming kaso. Sana seryoso si Abalos dito.

Noong Agosto 2022, nasangkot si Abong sa kasong hit­ and run sa traysikel kung saan namatay ang drayber. Inireklamo ng pamilyang namatayan na hindi inaksyunan­ ang kaso. Ngayong taon na ito, nagdesisyon ang Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) na sibakin na si Abong sa PNP. Pero bakit nga ba siya kasaluku­yang nasa PNP’s Legal Service Department? Kabalintunaan na sa legal pa siya nakadestino kung abusadong pulis nga.

Matagal ko nang sinasabi na mistulang fraternity ang PNP. Na kahit mali o kriminal pa ang ginagawa ng kani­lang kabaro ay ipagtatanggol at tutulungan pa nang husto. Ka­tulad ng kaso ni Abong. Sinibak na pala mula sa PNP eh bakit nasa isang kagawaran pa?

Ang tingin ko ay ilalagay sa isang hindi kapansin-pansin na posisyon para tuluyan pang makatanggap ng sahod at pensiyon kapag nagretiro na, o baka dahil mataas na ang ranggo at ma-promote pa. Pero tama ba iyon? Nasa tra­baho­ sila ng pagpapatupad ng batas tapos ganyan din lang pala ang gagawin?

Sa totoo lang, maraming ganyang pulis lalo na kapag mataas na ang ranggo. Na sa tingin nila ay sila ang dapat silbihan at hindi sila ang maninilbihan sa mamamayan.

Dapat lang makasuhan, masentensiyahan at makulong si Abong. Wala nang dahilan ang PNP para ilagay pa siya sa ibang posisyon. Maliban na lang kung may kaibigan siyang mataas ang posisyon sa PNP at ilalagay na naman sa isang posisyon hanggang sa mabaon na sa limot ang kanyang kaso. Hindi ako magtataka kung ganyan nga ang kalakaran sa PNP. 

vuukle comment

DILG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with