^

PSN Opinyon

ICC membership kailangang ibalik

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sinabi ni Presidente Ferdinand Marcos na ang pagbabalik ng Pilipinas bilang kasapi ng International Criminal Court ay kasalukuyang pinag-aaralan ng administrasyon. Nagbitiw ang administrasyon sa ICC sa panahon ni President Duterte dahil umiiwas ito na masiyasat sa crime against humanity na ikinakaso sa dating Presidente.

Ang mga kaso ng pagbaril sa ilan sa mga inaarestong drug criminals sa panahon ni Duterte ay umagaw sa pansin ng ICC. Nang matunugan ng dating Presidente na plano siyang usigin ng ICC, tuluyan nang kumalas sa samahan ang bansa.

Kabilang ang Pilipinas sa grupo ng 128 mga bansa na bumuo sa ICC noong 1998. Sinasakop nito ang mga pang-aabuso ng sinumang world leaders o kahit sino na itinuturing na krimen laban sa sangkatauhan. Dapat bang buhayin ang ating pagiging ICC member? Para sa akin ay dapat.

Ito ay upang ipakita sa komunidad ng mga bansa na ang Pilipinas ay katig sa tunay na demokrasya. Hindi kukunsintihin ang pagmamalabis kahit pa ang layunin ay sugpuin ang krimen.

Ipamamalas din ng ating pagsapi as ICC na may sinusunod na due process ang ating justice system at hindi basta-basta kumikitil ng buhay nang hindi dumaraan sa legal na proseso.

Dapat, si Marcos Jr. ang manguna sa pagbuhay ng ating ICC membership dahil nakatanim pa ang stigma ng martial law na ipinairal ng kanyang ama sa isipan ng ilang mamamayan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with