^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Water cannon uli sa barko ng Pilipinas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Water cannon uli sa barko ng Pilipinas

HANGGANG kailan ang pambu-bully ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas na naghahatid ng supply sa mga sundalo sa Ayungin Shoal. Mahirap sagutin ito. Walang nakaaalam kung hangggang kailan ang panggigipit ng China sa mismong teritoryo ng Pilipinas. Ang tanging inaasahan at nagpapalakas ng loob ay ang kasabihang ang lahat ay mayroon ding katapusan. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan magtitiis sa ginagawa ng China Coast Guard na paulit-ulit na lamang kapag magdadala ng supply sa mga sundalong Pilipino.

Noong Biyernes, binomba na naman ng tubig ang resupply vessel ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal. Dakong 7:30 ng umaga ng bombahin ng tubig ang supply boats na Unaizah Mae 1 at M/L Kalayaan. Sinalubong ang dalawang barko ng dangerous maneuvers ng CCG at Chinese Ma­ritime Militia. Gumamit din ng rigid-hulled inflatable boats ang CCG sa loob mismo ng lagoon ng Ayungin Shoal para pigilan ang paglapit ng supply boats sa Sierra Madre. Sa kabila ng pagharang at pagbomba ng tubig, nakalusot pa rin ang dalawang supply boats at nakarating sa kinaroroonan ng BRP Sierra Madre.

Ito ang ikalawang pagkakataon na binomba ng tubig ang resupply mission boats. Ang una ay noong Agosto 5 kung saan ay binomba ng tubig ang PCG na nag-eeskort sa supply boats. Isang barko lang ang nakapaghatid ng supply sa Sierra Madre.

Ang resupply mission noong Biyernes ay ikalimang pagtatangka na mula noong Agosto. At bawat pagtatangka ng resupply mission ay ginigipit ng CCG at Chinese militia. Noong Agosto 22, hinarang ang resupply mission pero nakalusot. Noong Setyembre 5, muling hinarang ang resupply mission at nagkaroon ng habulan at ginitgit ng CCG at iba pang Chinese militia vessels ang mga barko ng PCG at supply ship.

Magpapatuloy pa ang pambu-bully at panggigipit ng CCG. Bawat pagsasagawa ng resupply mission ng PCG ay panganib—nasa hukay ang kalahati ng katawan ng mga miyembro ng PCG. Maraming maaaring mangyari sa pakikipagpatin­tero ng PCG sa CCG. At posibleng sa isang iglap ay magkabanggaan ang PCG at CCG.

Sabi ni AFP Spokesman Col. Medel Aguilar, tungkulin ng AFP na pangalagaan ang mga sundalo sapagkat ang lugar ay sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ang panibagong pag-water cannon ng CCG ay nararapat na isampa sa mga kinauukulan. Magsampa muli ng diplomatic protest. Ito ang tamang paraan. Simulan na rin ang pagboykot sa China products bilang ganti. Kailangang masugatan din ang China.

vuukle comment

CHINA COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with