^

PSN Opinyon

Mga Pinoy sa Amerika uuwi pa ba sa ‘Pinas?

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Tanong iyan na marahil mahirap, madali o kumplikadong sagutin o mahulaan ang kasagutan. Babalik pa ba sila sa Pilipinas? Maaa-ring depende sa naging katayuan sa buhay ng mga Pilipinong matagal nang naninirahan sa Amerika o sa ibang bagay na humuhubog sa kanyang desisyon kung babalikan pa ba niya o hindi ang sinilangan niyang ba-yan. May mga dumadalaw lang sa Pilipinas pero dahil nga dalaw lang, pansamantala lang ito at muli silang babalik sa U.S.

Kaso, may mga Pilipino sa United States na hindi na maituturing na basta migrante lang roon. Halos lahat sila ay naging U.S. citizen na o may sarili nang tinatawag na green card na nagbibigay sa kanila ng pahintulot at karapatang manirahan at magtrabaho nang permanente sa U.S. Doon na sila nagkaasawa, nagkaanak, nagkaapo, tumanda at nagretiro, at marami sa kanila ang doon na namatay at nailibing. Karaniwan sa marami sa kanila na pinepetisyon ang naiwan nilang pamilya sa Pilipinas para magkasama-sama na sila sa U.S. Nakapagtatag na sila ng sariling buhay sa Amerika na nagpalabo sa tsansa na muling manirahan nang permanente sa Pilipinas. Kahit iyon lang mga pumasok sa naturang bansa bilang overseas Filipino worker ay nagi-ging permanente nang residente roon.  Meron ding mga Pilipino sa iba pang mga bansa tulad sa Canada, UK, Europe o Middle East o ibang bahagi ng Asia na lumipat,  tumira sa U.S. at naging U.S. citizen. Bukod sa kanila, marami na ring mga Pilipino na sa Amerika na isinilang at lumaki.  Kabilang sila sa mga tinatawag na Filipino-American o FilAm. May mga FilAm na sa Pilipinas ipina-nganak pero sa Amerika na lumaki. May ibang FilAm na parehong Filipino ang mga magulang na kapwa mga green card holder na o ang isa sa kanilang mga magulang ay Pilipino habang ang isa pa ay Amerikano o ibang lahi. Meron ding FilAM na kahit parehong Amerikano ang magulang, merong nananalaytay na dugong Pilipino sa kanilang mga ugat. Karaniwan na sa maraming mamamayan sa Pilipinas ang merong kamag-anak sa Amerika.

Kahit iyong mga Pilipino na iligal ang katayuan sa U.S. (iyong TNT o Tago Nang Tago)  ay hindi mo basta-basta mapapauwi sa Pilipinas maliban na lang kung maaresto sila at maipa-deport o malagay sa isang sitwasyon na kaila-ngan na nilang bumalik sa pinagmulan nilang bansa. Sa katunayan, merong mga Pinoy na TNT o undocumented na nagiging ligal ang pananatili roon makaraang makapag-asawa ng isang U.S. citizen o nagkaroon ng pagkakataong maging legal ang paninirahan nila roon. Meron ding mga Filipino na kahit naging mahirap lang ang buhay sa Amerika ay tila hindi ito nagtutulak sa kanila para umuwi sa Pilipinas.

Walang nakalaang estadistika sa bilang ng mga FilAm na bumabalik para manirahang muli nang permanente sa Pilipinas. May mga FilAm na kahit nagkaroon muli sila ng Filipino citizenship, hindi nila nagagawa o magagawang talikuran ang kanilang U.S. citizenship kaya nga rito sa Pilipinas, nabibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng dual citizenship.

Nitong taong ito, ang Pew Research Center na isang non-partisan American think tank na nakabase sa Washington D.C. ay nagpalabas ng isang report na maaaring nagpapahiwatig sa maaaring kasagutan sa tanong kung uuwi pa ba sa Pilipinas ang mga Pinoy na naninirahan sa Amerika.  Lumalabas sa isang survey ng Pew Research Center na bagaman karamihan sa mga Filipino American ay maganda ang pananaw sa Pilipinas,  mayorya ng mga nakatira sa U.S. ay hindi lilipat sa pinagmulan nilang bansa. May 67 porsiyento ng adult Filipinos ang nagsasabing hindi sila titira sa Pilipinas kahit meron silang pagkakataon. Binanggit ng isa sa mga respondent sa survey na ang mga susunod na henerasyon ng mga Filipino sa U.S. ay merong mas magandang oportunidad kumpara sa mga Pilipinong nasa Pilipinas. Magiging mas malaki ang sukatan dahil mas malaki ang Amerika at higit itong mas maunlad na ekonomiya. “Gayunman, batay sa naturang survey, mas may tsansang umuwi sa Pilipinas iyong mga FilAm na rito ipinanganak kaysa sa mga Filipino na sa Amerika ipinanganak.

Sa mga nagsasabing gusto nilang makabalik sa Pilipinas, kalahati ng bilang ng mga ito ay ikinakatwiran ang lower cost of living habang ang dahilan ng one-third ay mas mapapalapit sila sa mga naiwan nilang pamilya rito. Maliit na porsiyento ang nagsasabing gusto nilang mas masuportahang mabuti ang mas matatandang mga tao, walang isyu ng racism at pamilyar sila sa kulturang Pilipino.

Sa buong mundo, ayon sa Migration Policy Institute, ang U.S. ang dayuhang bansang may napakara-ming bilang ng mga migran-teng Pilipino o mamamayang may dugong Pilipino. Isa sa bawat dayuhang migrante mula sa Pilipinas ang naninirahan sa U.S. batay sa pagtataya noong 2020 ng United Nations Population Division. Kabilang sa iba pang pangunahing destinasyon ng mga migranteng Pilipino ang Saudi Arabia (645,000), Canada (634,000), United Arab Emirates (565,000), Australia (286,000), at  Japan (275,000).  Ang mga Filipino diaspora sa U.S. ay binubuo ng halos 4.5 milyong indibidwal na ipinanganak sa Pilipinas o may lahing Pinoy batay sa tabulation ng  U.S. Census Bureau 2021 American Community Survey. Umaabot sa 2.5 milyon ang mga Pilipinong ipinanganak sa U.S. Ang mga Pinoy ang bumubuo sa apat na porsiyento ng lahat ng 45.3 milyong U.S. immigrant hanggang noong 2021. Sila ang fourth-largest national-origin immigrant group kasunod ng Mexicans, Indians at Chinese. Halos isa sa bawat pitong Asian immigrant sa U.S. hanggang noong 2021 ay nagmula sa Pilipinas.

* * * * * * * * * * *

 

Email – [email protected]

vuukle comment

OFW

WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with