^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Korap dito, korap doon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Korap dito, korap doon

Noong nakaraang Setyembre 27, sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na sa bagong Pilipinas, walang puwang ang korapsiyon. Hindi umano mana­naig ang katiwalian. Sinabi rin niya ito sa harap ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at iba pang tanggapan ng pamahalaan para magbigay ng babala.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na nag-warning ang Presidente laban sa mga gumagawa ng katiwalian. Pero sa kabila ng kanyang mga babala at banta, marami pa rin ang gumagawa ng katiwalian at hindi natatakot. Walang nababahag ang buntot at patuloy sa pangungu­rakot. Walang taros sa pagsasamantala at nililimas ang kaban ng bayan. Ang resulta ng korapsiyon, paghihirap pang lalo ng bansa at pagkalubog sa kumunoy ng kahirapan nang nakararaming Pilipino.

Habang nagbababala ang Presidente, patuloy ang katiwalian. Katulad nang nangyayari sa Land Transpor­tation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inaakusahan ang chairman nito ng korapsiyon kaugnay sa PUV modernization program.

Ayon sa whistle blower na si Jeff Tombado, dating hepe ng LTFRB information team, tumatanggap ng P5 milyon si LTFRB chairman Teofilo Guadiz para ma­proseso ang mga requests sa prankisa, espesyal na permit at modipikasyon ng ruta. Ayon kay Tombado, meron siyang ebidensiya ng korapsiyon dahil dati siyang opisyal ng LTFRB na pinamumunuan ni Guadiz. Ang pera ay nakarating na rin umano sa Department of Transportation (DOTr) at Malacañang.

Pinabulaanan naman ni Guadiz ang akusasyon at sinabing handa niyang harapin ang inaakusa sa kanya. Agad namang sinuspende ni President Marcos si Guadiz at sinabing hindi niya kukunsintihin ang anumang hindi magandang gawain sa kanyang adminis­trasyon. Ipinag-utos niya ang imbestigasyon laban kay Guadiz.

Ang alegasyon ng korapsiyon sa LTFRB ang nag-udyok kay Sen. Grace Poe na suspendihin muna ng DOTr ang implementasyon ng PUV Modernization Program (PUVMP). Ayon kay Poe, hindi makatarungan sa mga pampublikong drayber na nawalan ng pinagkakakitaan dahil may korapsiyon na nangyayari.

Nararapat na magkaroon ng imbestigasyon ukol sa alegasyon ng korapsiyon sa LTFRB. Kung totoo ang alegasyon na nakikinabang nang malaking halaga ang pinuno ng LTFRB, dapat mabatid ito. Gaya nang sinabi ni Marcos Jr., walang puwang ang korapsiyon sa Bagong Pilipinas.

Habang sinusulat ang editorial na ito, binawi naman ng whistleblower ang kanyang mga alegasyon sa dating LTFRB chairman at nag-sorry dito.

Gayunman, dapat pa ring magkaroon ng imbestigasyon para ganap na malinaw na wala ngang katiwalian na naganap. Isang paraan din para linisin ang pangalan.

vuukle comment

PRESIDENT FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with