^

PSN Opinyon

Pinoy students inaalok mag-aral  sa  Amerika

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Interesado ka bang mag-aral sa Amerika? Kung gusto mong magkolehiyo o kumuha ng mas mataas na antas ng pag-aaral sa United States, maaari kang lumahok sa 7th EducationUSA University Fair sa Shangri-La Plaza sa Mandaluyong City sa Oktubre 10, 2023 na inorganisa ng U.S. Embassy in the Philippines at ng Philippine-American Educational Foundation. Ayon sa U.S. Embassy, dito matututuhan ang mga pasikot-sikot sa pagpasok sa mga unibersidad at kolehiyo sa U.S. Libre ang admission sa naturang fair  pero kailangang magparehistro muna online sa <https://educationusaph.org/Fair2023>.

Kabilang sa mga U.S. colleges at universities na lalahok sa fair ang Arizona State University; California State University–San Bernardino; Carnegie Mellon University; Cascadia College; Clark College; College of Central Florida; College of Southern Nevada; Drexel University; Ferris State University; Foothill + De Anza Colleges; Green River Community College; Kent State University; Lewis University; Merrimack College; Moraine Valley Community College; Northeastern University; Nova Southeastern University; Riverside City College; Savannah College of Art and Design; SUNY College at Plattsburgh; The University of Texas at Dallas; Troy University; University of Central Missouri; University of Colorado at Boulder; University of Hawai’i at Manoa; University of San Francisco; University of Utah Asia Campus; Valencia College; Washington State University; Xavier University; Yale University (School of the Environment); at York College of Pennsylvania. Dadalo rin dito ang mga kinatawan ng mga scho-larship organization para magbahagi ng impormasyon sa mga financial assistance na kakaila-nganin ng mga gustong mag-aral sa U.S. habang ang mga consular officer ng U.S. Embassy ang gagabay sa proseso ng aplikasyon para sa student visa.

Nakatakda naman ang susunod na Edu-cationUSA Fair sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City sa Oktubre 12.

Sinasabi pa ng embahada na average na 3,000 Pilipino ang pumupunta para mag-aral sa U.S. bawat taon.  Ang EducationUSA  (EdUSA) ay isang U.S. Department of State network ng 430 international student advising centers sa mahigit 175 bansa at teritoryo. Idiniin ng EdUSA na hindi ito nagbibigay ng scholarship pero nagbabahagi ito ng mga gabay sa iba’t ibang hakbang para makapag-aral sa Amerika.

Makokontak ang EdUSA sa mga platform sa internet tulad ng  Facebook (www.facebook.com/educationusa.philippines), Twitter (www.twitter.com/educationusa_ph), Instagram (www.instagram.com/educationusa.philippines), Email (<[email protected]> o <[email protected]>), at  (LinkedIn: www.linkedin.com/in/educationusaph/) o maaaring dumirekta sa isang adviser sa  <http://educationusaph.org/advising-1on1>.

Halos 5,000 kolehiyo at unibersidad sa 50 state sa U.S. ang mapagpipilian. Ipinapayo ng EdUSA na tukuyin ang paaralan at kursong naaangkop sa iyong pangangailangan.

Gayunman, malaki rin ang magagastos sa pag-aaral sa alin mang mga paaralan sa U.S. Madali ito para sa mga may pera o kakaya-hang pinansiyal. Kung walang pampaaral, ano ang remedyo? Hindi lang matrikula at iba pang bayarin sa eskuwelahan ang kailangang isipin kundi pati na rin ang bahay na titirhan, pagkain at iba pang pa-ngangailangan sa araw-araw habang nag-aaral sa Amerika.  Maliban na lang kung meron kang kamag-anak doon na maaari mong tuluyan habang nag-aaral.

Ipinapayo ng EdUSA na tingnan sa mga website ng mapipili mong pamantasan sa U.S. ang ibinibigay nitong mga scholarship o financial aid sa mga dayuhang estudyante at college application fee waiver availability at ang deadline rito.  Alamin kung paano mag-aaplay ng scholarship na maaaring kuwalipikado ka.  Bawat pamantasan ay merong sarili nilang deadline sa mga mag-aaplay ng financial aid para makapag-aral sa mga institusyong ito.

Magsaliksik sa mga maaaring makuhanan ng scholarship. Ayon sa EdUSA, maaaring tingnan ang mga website na <http://www.iefa.org/>, <http://www.internationalscholarships.com/>, o ang <http://www.fundingusstudy.org/>.

Subukan din ang mga korporasyong alam mong nagbibigay ng scholarship o roon sa meron kang kuneksyon.  Halimbawa, ang Department of Science and Technology ay merong scholarship para sa mga graduate students. Hanapin kung merong Filipino alumni association sa eskuwelahang tumanggap sa iyo. Baka makatulong sila.

Bihira at lubhang marami nang kakompetensiya sa mga tinatawag na full scholarship kaya ikonsidera rin ang paghahanap  o pagkuha ng  mga partial scholarship.  Gayunman, meron ding mga oportunidad na makakuha ng trabaho sa loob ng mapapasukang pamantasan kaya makakatulong din ito sa pang-araw-araw na pa-ngangailangan sa panahon ng pag-aaral sa U.S.

* * * * * * * * * *

 

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with