^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Nagsulputang vape shop malapit sa eskuwelahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Nagsulputang vape shop malapit sa eskuwelahan

BALIK-ESKUWELA na ang karamihan sa mga estudyante. Balik na rin ang mga negosyong ma­lapit sa school. Buhay na naman at masigla ang pagkakakitaan na dalawang taon ding nalumpo dahil sa pan­demya. Dahil naging online ang sistema sa pag-aaral habang may pandemya, nawalan ng kita ang mga negosyong malapit sa eskuwelahan gaya ng mga karinderya, school supplies, photo copying services, ID lamination at iba pa.

Pero ngayong balik school, hindi lamang ang mga nabanggit ang nagbalik kundi pati mga vape shop o e-cigarette. Sa ilalim ng batas, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng vape shop sa bisinidad ng eskuwelahan. Pero ang ganitong alituntunin ay hindi na naipatutupad. Maraming lumalabag at wala namang naglalakas ng loob na magreklamo.

Karaniwang mga high school student ngayon ang parukyano ng mga vape shop. Paglabas nila ng school, deretso sila sa vape shop. Hindi lang mga lalaking estudyante ang parukyano kundi mayroon ding mga babae.

Ilang buwan na ang nakararaan, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na sisitahin nila ang mga kaba­taan o menor-de-edad na makikita nilang guma­gamit ng vape. Hindi na ito nagagawa ng PNP. Mas maganda kung ang mga vape shop na malapit sa school ang pagbawalan nila dahil nakasaad naman ito sa batas.

Naging batas ang Vape Bill noong Hulyo 2022 kahit hindi nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. Layunin ng batas na ma-regulate ang importasyon, manufacturing, pagbibenta, packaging, distribusyon, at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotin pro­ducts.

Maraming kumontra sa Vape Bill sapagkat mapanganib sa kalusugan lalo na sa mga kabataan ang paggamit ng vape. Ang vape ay may chemicals na gaya ng nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na nakaka-addict at nagiging dahilan ng cancer. Noong 2018, naitala ng Pilipinas ang kauna-unahang e-cigarette o vape associated lung injury na kinasangkutan ng isang 16-anyos na babae sa Visayas.

Maaari ring sumabog ang vape habang hinihithit. Gaya ng nangyari sa isang 17-anyos na estudyante sa Quezon City. Pinalitan umano ng baterya ang gina­gamit na vape pero hindi akma ang naipalit kaya sumabog. Napinsala ang bibig, ngipin, dila, gilagid, lalamunan, ilong at mata ng estudyante.

May mga lungsod sa Metro Manila na nagbabawal sa vape smoking gaya ng Valenzuela. Gayahin sana ito ng iba pang lungsod. Mabuting paraan ito para mapigilan ang pagkalulong nang marami.

Higpitan naman at ipasara ang vape shops na malapit sa eskuwelahan. Iligtas ang kabataan sa masamang bisyong ito. Pangunahan ng magulang ang pagrereklamo.

vuukle comment

STUDENT

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with