^

PSN Opinyon

Sara, kaabang-abang ang mga kilos

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Kung may mga sektor na minamaliit si Vice President Sara Duterte, kailangan n’yo na rin sigurong pag-isipang maigi ang inyong political future at nang mapagplanuhan n’yo na ano ang gagawin sa hinaharap.

Totoong masyado pang maaga at hindi natin piho kung ano ang mangyayari bago dumating ang 2028. Masyado pang malayo ang 2028, ‘ika nga.

Ngunit para sa mga matagal nang pulitiko sa atin, ang 2028 ay nasa kanto na at kailangan na nilang ayusin kung saang grupo sila makialyansa.

At isa sa mga pangalan na tinitingnan na  pinakama­lakas na kakandidato sa pagka-presidente sa 2028 ay si Sara lalo na sa mga nangyayari kamakailan lang sa Lakas-CMD, kung saan siya ay nagbitiw  bilang miyembro at chairman nito.

Ano na ngayon ang mangyayari sa pag-alis ni Sara sa Lakas?

Marami. Posibleng mag-alisan din ang ibang mga kasamahan niya na naging miyembro ng Lakas kasabay nang kanyang pagsali sa partido noong 2021.

At ganito ‘yan, ang original political party ni Sara ay ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) na regional in nature at may mga chapters nga ito sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Kung ito ay gagawing national political party ‘yun ang aabangan sa mga susunod na araw.

Sa ngayon, nananatiling kaabang-abang ang bawa’t kilos ni Sara.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with