^

PSN Opinyon

Klase ng headache at tamang gagawin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Tension headache – Pakiramdam na parang may headband sa noo at mahigpit o masikip sa noo at likod ng ulo. Kapag hinawakan ang balat, masakit sa leeg, balikat dahil sa stress, galit, pag-aalala, lungkot at kaba.

2. Migraine headache – Minsan, masakit sa kalahating­ parte ng ulo, nahilo o parang nasusuka, sensitibo sa liwa­nag, ingay at parang pagod. Gayundin may “aura” o warning signs na para bang umiilaw o blank spots o iba’t ibang kulay ang nakikita.

3. Cluster headache – Ang sakit na pumupunta sa may mata, mukha, ulo, leeg at balikat. Sa isang parte lang nakararanas ng pagluluha at mapula ang mata, may sipon, at sobra ang sakit.

4. High blood pressure – Ang mataas na presyon ng dugo ay maaari ring magdulot ng mga sakit ng batok, ngunit mas madaling gamutin.

5. Stroke – Ang isang matinding sakit ng ulo ay kaila­ngang suriin ng isang doktor. Ang sakit ng ulo na sina­mahan ng anumang pamamanhid o panghihina ng mga bisig o binti ay maaaring maging isang senyales ng stroke. Ang pagsusuka ay mahalagang sintomas at maaaring maging tanda ng pagtaas ng presyon sa loob ng utak.

6. Brain aneurysm at tumor – Ang mga sintomas na ito ay maaaring magpahiwatig ng isang posibleng stroke, brain aneurysm o tumor sa utak.

Magpatingin sa doktor, mas mabuti sa isang neurologist, upang makatiyak.

7. Pagod ng mata – Ang sakit ng ulo dahil sa pagkapuwersa ng mata ay pinalala sa pamamagitan ng pagbabasa at ang pananakit ay matatagpuan sa lugar ng noo.

8. Sumasakit din ang ulo ng mga bata at teenagers sa ilang kadahilan tulad ng stress sa eskuwela, kaibigan at pamilya. Minsan, masakit ang ngipin, o may infection sa taynga o lalamunan.

Rekomendasyon:

1. Kung migraine headache, iwasan ang mga triggers na pagkain, kumain ng regular tatlong beses sa isang araw at uminom ng sapat na tubig.

2. Magkaroon ng sapat na tulog at huwag magpupuyat.

3. Kung mag-eehersisyo, piliin ang kaya ng katawan o magagaan lamang.

4. Relaxation technique. Magpamasahe, meditation, at ang pagligo ng maligamgam na tubig ay may tulong para mabawasan ang sakit ng ulo.

5. Cold compress sa masakit na ulo. Warm compress sa masakit na muscle.

6. Iwasan ang sobrang mapagod, pati na ang sobrang lamig o init.

7. Kumunsulta sa neurologist kung sobra ang sakit ng ulo, nahihilo, nagsusuka, walang balanse, nilalagnat at nawalan ng malay.

vuukle comment

CLUSTER HEADACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with