^

PSN Opinyon

Mga benepisyo ng PhilHealth

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY kaibigan akong nagtanong sa akin, bakit daw kaila­ngan niyang mag-member ng PhilHealth at magbayad ng buwanang kontribusyon gayung bata pa siya at walang karamdaman sa edad na 30? Kung iyan din ang katanu­ngan ninyo, ang masasabi ko ay hindi kayo bata forever. Baka mabigla na lang tayo kapag nalaman nating­ may karamdaman pala tayong kakailanganin nang malaking halaga.

Naranasan ko iyan. Pitumpu’t tatlong taong gulang na ako at nagsimula ang aking serye ng mga kamdaman sa edad na 60 na nangailangan ng hospitalization at surgery. Ang una kong operasyon ay sa prostate, pangalawa, sumailalim ako sa angioplasty procedure at ang pinakahuli ay ang aking operasyon sa appendicitis. Kung wa­lang­ PhilHealth, malamang hindi ko makakayanan ang malaking gastusin. Naranasan din ‘yan ng kabaro ko sa media na si Carlos Ramon “Cholo” Baviera, VP-Aliw Broadcasting Corporation. Isa na ring senior citizen­ si Cholo na kagaya ko. Aniya, “Malaking bagay po talaga sa akin ang PhilHealth.”

Huwag po nating isipin na bakit ba tayo nagbabayad ng PhilHealth hindi naman tayo nagkakasakit? Sa pagtanda ninyo, doon ninyo makikita ang malaking tulong ng PhilHealth.

Tunay na habang bata tayo, inaakala natin na ‘yung malusog na pakiramdam ay panghabambuhay. Pero wika nga, matuto tayo sa karanasan ng iba para ngayon pa lang ay pag­handaan na natin ang ating hinaharap. Huwag namang ipahintulot ng Diyos ngunit maraming tao ang dumarating sa punto ng buhay na kailangang magpa-dialysis, na ang halaga bawat session ay napakalaki, pero iyan ay sinasagot ng PhilHealth kung tayo ay miyembro na nagba­bayad ng buwan ang kontribusyon.

Si Cholo na itinatampok natin ngayon sa ating column ay nagpapa-dialysis na pero bawas sa alalahanin niya ang dambuhalang halagang dapat ibayad dito. Aniya: “Sa Universal Health Care Law, natutuwa po tayo diyan, kasi kahit sino po especially the elders na katulad ko, may trabaho o wala, maaasikaso ang kalusugan kapag tayo ay nagkasakit at naospital. Tutulungan po kayo ng PhilHealth.”  

Dagdag pa niya “sa tuwing may dialysis session ako, nariyan ang PhilHealth at majority ng billing ko ay PhilHealth ang sumasalo. Dahil po sa pandemic, naisip ng PhilHealth na mahihirapan ang mga dialysis patients kaya naglabas sila ng provision increasing from 90 to 144 sessions. Marami pong mga katulad kong pasyente na natuwa dahil talaga pong napakalaking tulong ang binigay ng PhilHealth.”

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with