^

PSN Opinyon

Rolling police outpost kontra kriminalidad sa Metro!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KUNG anu-anong programa na ang ikinakasa ni NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel “Esto” Estomo para pangalagaan ang seguridad ng 13 milyon na Metro Manilans. Noong una, nag-download si Estomo nang maraming pulis kaya natuwa ang mga Pinoy sa Kamaynilaan dahil kahit saang sulok man o kanto ay may nagbabantay sa kanila na pulis laban sa mga kriminal. Ang mga kriminal ay nagdadalawang-isip dahil sa may kalalagyan sila sa pulis na mabilis na mag­responde sa ngayon dahil sa suporta ni Estomo. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya nga ang crime rate sa Metro Manila nitong nagdaang mga araw ay bumaba kumpara noong nakaraang taon. Mismooooo! Kaya sa ngayon, naka-concentrate na ang NCRPO sa pagligwak sa ilegal na POGO at malakihang drug syndicate. Dipugaaaaa!

Nitong nakaraang linggo naman, ipina-roll out ni Estomo ang rolling police station na tinatawag na “mobile police outpost” kung saan ang mga police patrollers ay sisilong habang naka-duty. Siyempre, itong rolling stations ay abot-kamay ng mga Metro Manilans at lalong mapadali ang tulong na igagawad sa kanila ng kapulisan. Ang mga police stations ay ipupuwesto sa mga mataong lugar tulad ng jeepney terminals, transportation hubs, places of convergence, para maitaboy ang mga kriminal. Ang pangunahing layunin nitong rolling stations ay para mapabilis ang police response sa krimen. Eh di wow!

Itong police stations ay may pulis sa 24/7 kaya makaka­dagdag ito para mapanatag ang Metro Manilans sa kanilang seguridad, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Kasama ang proyekto sa programa ni Estomo na SAFE NCRPO kung saan ang police presence ay palaging SEEN at FELT, di ba NCRPO spokesman Lt. Col. Dexter Versola Sir?

Ang prototype ng mobile outpost ay ipinakita nina Versola at NCRPO PIO Maj. Anthony Alising sa media sa Para­ñaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Bgy. Tambo, Parañaque City, ang pinakamalaking exchange terminal sa bansa. Matapos ang launching ay nagsimula ng mag-duty ang mga pulis na naka-assign doon para mag-assist para sa kaligtasan ng mga pasahero at taongbayan, lalo na tuwing emergencies. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Versola ang desenyo ng police outpost ay para madali itong ilipat ng puwesto kung saan ang serbisyo ng pulisya ay kailangan, tulad ng espesyal na okasyon, o maging sa sementeryo sa nalalapit na All Souls Day at All Saints Day celebration. Dipugaaaaa! Tiyak marami pang proyektong ganito si Estomo lalo na’t papalapit na ang Pasko kung saan ang mga kriminal ay naglipana. Abangan!

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with