^

PSN Opinyon

Gamitin sa proyektong nasisiyasat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA na si Sen. Koko Pimentel III hinggil sa kontro­bersiyal na confidential fund ng DepEd na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte. Nasa P150 milyon ang pondo. Dapat gamitin na lang sa mga paaralan na nasira ng Bagyong Karding. Para saan ba talaga ang confidential fund na iyan kung ang tanggapan ng bise presidente ay may ganung pondo rin? Nasa P500 milyon naman iyan. Napakalaking pondo ang hahawakan ni Duterte na hindi nasisiyasat ng COA.

Ang confidential fund ng DepEd ay dapat gamitin sa mga proyektong may malinaw na kaugnayan sa edukasyon. Kung madalas napupuna ang mga kakulangan ng DepEd, diyan dapat gamitin ang pondo para mapaganda ang edukasyon ng mga mag-aaral. Kung maga­gamit para sa paglagay ng internet sa mga paaralan, mas maganda, hindi ba? O kaya’y ayusin nang husto ang mga silid at palikuran para magamit nang maayos ng mga bata. Napakaraming mapaggagamitan ng P150 milyon na makikita ng lahat, at hindi sa mga bagay na hindi naman makikita.

Dapat pati ang confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) na P500 milyon ay magamit din sa mga proyektong nangangailangan ng pondo. Nagpanukala ang isang mambabatas na magagamit sana ang pondo para dagdagan ang sahod ng mga guro para ganahan din silang­ magturo nang maayos. Ang laki ng itinaas ng pondong ito kumpara sa mga nakaraang taon. Baka nga walang confidential fund ang dating OVP at hindi naman kaalyado ng dating administrasyon. Malinaw na pinapaboran si Duterte.

Tinanggal na ang kontrobersyal na pork barrel na inabuso nang maraming mambabatas pati na rin ng mga tulad ni Janet Lim-Napoles. Hindi dapat napalitan ng confi­dential fund. Mas maganda kung lahat ng pondo ng gob­yerno ay nasisiyasat ng COA, para makita kung tama ang paggamit nito. Masyadong pabor sa pang-aabuso at korapsyon ang confidential fund kung hindi nga nasisiyasat ng COA.

Milyun-milyon ang nakikita ng mamamayan na napupunta sa mga opisyal ng administrasyon, habang mara­ming nasa propesyon ng kalusugan ang hindi pa nakatatanggap ng mga ipinangako sa kanila ng dating administrasyon para sa serbisyong idinulot noong kasagsagan ng pandemya. Lahat ng pondo ng gobyerno ay nag­mula sa pera ng mamamayan. Kaya dapat hindi ginagamit ang confidential fund para itago ang paggagamitan ng pera ng bayan. 

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with