^

PSN Opinyon

EDITORYAL - I-veto ang Vape Bill

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - I-veto ang Vape Bill

Maraming umaasa na hindi lalagdaan o ibi-veto ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Senate­ Bill No. 2239 (Vaporized Nicotine and Non Nicotine Products Regulation Act). Hindi niya lalagdaan ang isang panukalang batas na magdudulot ng kapahamakan sa kalu­sugan lalo na sa mga kabataan. Ibabasura niya ang panukala na lalong magbabaon sa bisyong paninigarilyo sa halip na makaalis dito.

Hindi pinakialaman ni dating President Duterte ang Vape Bill sa kabila na maraming health advocates ang humiling na bago siya bumaba sa puwesto ay i-veto na ang panukalang batas para matigil na ang mga nagsusulong nito. Pero walang ginawa ang dating presidente na labis na nakapagtataka sapagkat siya man ay ayaw din sa bisyong paninigarilyo. Kung ibinasura niya, wala na sanang problema ngayon.

Nang ipasa ang Vape Bill noong Disyembre 2021, maraming health advocates ang umalma. Sinabi ng mga doktor na tulad ng sigarilyo, mapanganib ang paggamit ng vape dahil nagko-casue ito ng lung cancer. Ayon sa mga pag-aaral, ang vape ay may sangkap na chemi­cals na gaya ng nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na nagiging dahilan para ma-addict ang gumagamit.

Mariing sinabi ng Department of Health (DOH) na ang pagkakapasa ng Vape Bill ay kumukontra sa pinu-promote ng pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko. Ayon sa DOH, nagta­gumpay na anila ang bansa sa pagkontrol sa tabako pero nagkakandarapa naman para isulong ang pag­gamit ng vape.

Ang masama sa panukalang batas, binabaan ang edad ng mga kabataan na makabibili at makaga­gamit ng vape. Mula 21-anyos, ginawang 18-anyos ang puwedeng bumili. Ang hakbang ay malinaw na paghikayat sa mga kabataan na magbisyo sa halip na turuan na umiwas dito.

May nabiktima na ng vape noong 2018. Isang 16-anyos na babae sa Visayas ang nagkasakit sa baga makaraang makalanghap ng second hand smoke mula sa vape. Ayon sa report, nalanghap ito ng babae sa mga kasama sa bahay na gumagamit ng vape.

Hindi lamang ang mga doktor ang nananawagan sa pag-veto sa Vape Bill kundi maging ang Department of Education (DepEd). Ayon sa  DepEd, nararapat protektahan ang mga kabataan sa bisyong ito. Sa kasalukuyan, mahigit 40 medical groups ang humihiling na ibasura ang kontrobersiyal na Vape Bill.

Nasa kamay ngayon ni President Marcos Jr. ang Vape Bill. I-veto niya ito. Pakinggan ang boses ng mga nagmamalasakit sa kalusugan.

vuukle comment

BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with