^

PSN Opinyon

Disimuladong pagsira kay Marcos

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Palagay ko, may mga “wolves in sheep clothings” sa mga nagsasabing kaalyado sila ni President Bongbong Marcos. Gumagamit ng simpleng taktika para umani ng pagtuligsa ang Presidente.

Mantakin n’yo na nag-file ng bill si Rep. Arnolfo Teves Jr. para gawing Ferdinand E. Marcos International Airport ang Ninoy Aquino International Airport. Lilikha ng gulo ang panukalang iyan na ibig pagsabungin ang mga Marcos at Aquino.

At malamang na hindi tatanggapin iyan ni Presidente Marcos Jr. dahil alam niyang makasisira ito sa kanya. Ano ba ang layon ng mga ganyang self-serving na panukala? Tingin ko para siraan ang presidente at ibagsak siya.

Bago sana gumawa ng anumang proposal ay isipin muna ninyo ang posibleng ibubunga nito. Ang baluktot na katwiran ni Teves ay sa panahon daw ng matandang Marcos naitayo ang naturang paliparan na malayo sa katotohanan. Bago pa man maupo si Marcos Sr. bilang presidente ay Manila International Airport (MIA) na ‘yan.

Ipinangalan lang ito sa yumaong Senator Ninoy Aquino sa termino ng asawa nitong si Cory noong 1986. Kung dapat mang baguhin muli ang ngalan ng airport, mas ka­tanggap-tanggap na ibalik na lang sa dating MIA.

Ang NAIA ay dating paliparan ng mga Amerikano hang­gang 1947. Matapos ang American occupation, ginamit na ito ng bansa bilang ating international airport kaya naging Manila International Airport. Alam iyan marahil ni PBBM.

vuukle comment

MIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with