^

PSN Opinyon

May hangganan din ang 6 na taon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Noong Biyernes, ipinahayag ni President Duterte na hindi niya dapat ipinangako na kaya niyang tapusin ang problema ng illegal drugs sa loob ng anim na buwan. “Hubris” o kayabangan lang daw iyon at bahagi ng pangangampanya. Malinaw na ilang linggo na lang ang natitira sa kan­yang termino bilang presidente ay laganap pa rin ang ilegal na droga. Kaya para sa mga bumoto sa kanya dahil naniwala sa pangako niyang ito, iyan ang sagot sa inyo. Mata­tandaan na tinawag din niyang mga “stupid” ang mga naniwala sa kanyang pahayag na sasakay ng jet ski patungo sa mga isla sa West Philippine Sea at itatanim ang watawat ng Pilipinas.

Ngayon, panahon muli ng pangangampanya kaya ilang mga pangako ang ipinahayag ng mga kandidato. Ito ang dahilan kung bakit dapat pinag-aaralan nang husto ng mga botante ang lahat ng pahayag ng mga kandidato at kung talagang kakayanin ang mga ito. Isantabi na ang mga “palamuti” at makinig sa mga sinasabi. Ito nga ang dahilan kung bakit mahalaga ang mga debate, para makita kung paano mag-isip, gumawa ng plano, sumagot sa mga mahihirap na tanong lalo na sa mga isyu ng bansa tulad ng soberenya sa West Philippine Sea, korapsyon at iba pa. Ang hindi pagdalo ng kandidato sa mga debate ay mala­king rebelasyon ng kandidatong iyan. Umiiwas ba sa mga mahihirap na tanong partikular sa kanyang pamilya, hindi bayad na buwis at iba pa?

At dahil ilang linggo na lang sa termino ni Duterte, may mga kapansin-pansin na nagaganap sa kaso ni Sen. Leila de Lima. Dalawang dating tumestigo laban sa senador ay binabawi na ang mga ipinahayag na isinasangkot si De Lima sa ilegal na droga—sina Kerwin Espinosa at dating Bucor OIC Rafael Ragos. Pressure, pamimilit at pananakot laban sa kanila at kanilang pamilya raw ang ginawa para magpahayag sila laban kay De Lima.

Dahil magtatapos na ba ang termino ni Duterte? Hindi ba ibinigay ang mga ipinangako para sa kani-kanilang testimonya? Ilang tumestigo rin laban sa senador ang namatay na tulad ni Jaybee Sebastian at Vicente Sy. Pero ayon sa Palasyo wala raw epekto ang lahat na ito sa natitirang dalawang kaso laban kay De Lima. May lalantad pa kaya at babawiin din ang testimonya laban kay De Lima? Ito ang inaasahan ng abogado ni De Lima. Kung ano ang magiging takbo ng mga kaso laban kay De Lima at kung sinu-sino pang mga kilalang kritiko ni Duterte kapag may bagong administrasyon ay hindi pa masasabi. May hangganan din ang anim na taon. Hindi naman naging mapalad ang ABS-CBN sa hindi pagbigay ng panibagong prangkisa sa kanila ng mga kaalyado ni Duterte. Hindi na rin makukuha ang kanilang frequency dahil ibinigay na sa kaalyado ni Duterte. Ganito rin ba ang gagawin ng susunod na pangulo sa kanyang mga kritiko at kalaban?

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with