^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Quarrying sa Marikina Watershed, ipatigil

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Quarrying sa Marikina Watershed, ipatigil

SINISIRA ng illegal mining, quarrying at resort construction ang Masungi at Upper Marikina Water­shed sa Baras, Rizal. Kapag hindi ipinatigil ang mga ginagawang illegal na aktibidad sa nasa­bing protected area, babaha sa Marikina at sa maraming bahagi ng Metro Manila. Nakalulunos ang maaring mangyari kapag hindi naputol ang mga gina­gawang paghuhukay sa reserve areas. Ang Marikina watershed ay napagkalooban ng proteksiyon sa ilalim ng Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS­) Act of 1992.

Sabi ng ilang residente sa Baras, nang manalasa ang Bagyong Ulysses noong 2020, buong bayan ng Baras ay binaha na hindi naman nangyayari dati. Mabilis umanong tumaas ang tubig. Nangangamba sila na kung hindi mapipigil ang illegal activities sa Marikina watershed protected areas, baka raw sila naman ang mawala sa mga susunod na panahon. Dapat na umanong maputol ang illegal quarrying at mining sa lugar para maiwasan ang pagkasira.

Noong Miyerkules, ang Masungi Georeserve Foundation sa Baras ay umapela na kay President Duterte at kay DENR Sec. Jim Sapulna na kanselahin ang mineral production sharing agreements sa Upper Marikina Watershed upang mapigilan ang panganib na idudulot ng mga ginagawang aktibidad­ sa lugar. Ang grupo ng Masungi ang nagpapanatili­ at nagre-rehabilitate sa portion ng watershade upang magsilbi itong “first line of defense” laban sa pagbaha kung may malakas na bagyo.

Sagot ni President Duterte sa apela ng Masungi Foundation, sampahan ng kaso ang mga sumisira sa Marikina Watershed. Ipinag-utos niya ito sa kalihim ng DENR at sa Anti-illegal logging Task Force. Ayon sa Presidente, nangangamba siya sa nangyayaring illegal activities sa watershed.

Ngayong may direktiba na ang presidente, kumilos sana ang DENR at iba pang ahensiya para mapigil ang illegal quarrying at mining sa lugar. Alamin din ng DENR kung sino ang nasa likod ng quarrying operations. Ayon sa report “malalakas at malalaking­ pulitiko­” ang may-ari ng quarrying kaya hindi ma­ipa­­tigil na noon pa nag-ooperate. Nararapat nang wakasan ang kasibaan ng mga ito.

vuukle comment

ILLEGAL MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with