^

PSN Opinyon

Sa kabila ng kasiyahan at selebrasyon….

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nagdaan muli ang isang Pasko, salamat sa Diyos! Marahil may mga iba na unting nagsisisi sa rami ng kinain noong noche buena. Pero huwag na munang isipin iyan at may bagong taon pang hinaharap bukas. Huwag din kalimutang magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap sa nakaraang taon at ipagdasal ang mga hindi nakaranas ng Maligayang Pasko at Bagong Taon dahil sa kahirapan, at sa kalamidad. Ipagpatuloy ang mga tulong na puwedeng ipaabot sa mga naging biktima ng bagyong Odette. May mga lugar na mas matagal makakabangon kumpara sa iba.

Pero sa kabila ng kasiyahan at selebrasyon na naging mas maligaya ang Pasko ngayong taon, may konting babala naman ang OCTA research group. Ayon kay OCTA research fellow Guido David, halos dumoble ang COVID reproduction rate sa National Capital Region (NCR) sa 0.70 noong Disyembre 22 kumpara sa 0.42 noong Disyembre 15. Ang COVID reproduction rate ay bilang ng tao na mahahawaan ng isang COVID-19 na pasyente. Kapag mataas ang numero, ibig sabihin mas marami ang maha­hawaan ng COVID.

Paliwanag niya, natural na tumataas ang reproduction rate ilang araw bago mag-Pasko, tulad ng naganap din noong isang taon. Bahagyang bababa ito sa panahon matapos ang Pasko patungong Bagong Taon at tataas muli sa unang linggo ng Enero. Kaya ang payo ay ipagpatuloy ang pag-iingat tulad ng pagsuot ng face mask, mag-sanitize ng kamay at kung maaari ay umiwas pa rin sa mataong lugar. Nakikita nga na sabik ang mga taong lumabas at mag-shopping o kumain sa labas.

Apat na ang kaso ng Omicron variant sa bansa. Galing sa United States ang pasahero. Ayon sa kanya, mukhang nahawa siya sa mga kaibigan sa U.S. Hindi naman seryoso ang kundisyon niya at binabantayan nang husto ng DOH. Pero kung ganyang nakakapasok na ang Omicron variant mula sa mga nanggagaling U.S., ano kaya ang mga hakbang ng gobyerno para mapigilan ang pagdami ng Omicron variant na sa ngayon ay kumakalat na nang husto sa U.S.?

Wala pa ring humpay ang dami ng kaso sa U.S. dahil sa mga kontra-bakuna at kontra-face mask, bagay na hindi ko talaga maintindihan. May babala na nga si President Biden na baka masapawan ang ilang ospital dahil sa mas nakakahawang Omicron variant, pero hindi daw dapat mag-panic at mas handa sila ngayon kumpara noong unang kumalat ang delta variant. Pero ang problema nga ay kung maraming makapasok sa bansa at hindi tayo kasing handa tulad ng U.S. Maganda na nga at bumababa na ang bilang ng kaso dito sa atin at sana ay mas gumanda pa sa pagpapatuloy ng pagbakuna sa mamamayan.

NOCHE BUENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with