^

PSN Opinyon

Nightclub ng mga Intsik sa Pasay, front ng prostitution?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang pala ang mga guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nilalabag ng mga nightclubs ng Intsik sa Pasay City kundi may mga ibang gimik pa sila. Humahangos kasing nag-report sa Dipuga si kosang Al na itong mga nightclub sa Macapagal Ave., sa Pasay ay mga front din ng prostitution. Kung sangkatutak na batas ang nilalabag nitong mga nightclub ng mga Intsik sa Pasay bakit tahimik lang dito si Mayor Emie Calixto-Rubiano? Dahil kaya sa pitsa? Ano ba ‘yan?

Bakit walang interes si Calixto-Rubiano na i-rescue ang mga kapwa n’ya babae sa prostitution ring ng mga Intsik? Kung sabagay, hindi si Calixto-Rubiano ang may kasagutan sa mga tanong sa itaas kundi si alyas Prins, ang over-all bagman sa nightclub, beerhouse, sugal, traffic­ at bus at jeepney terminal. Hihihi! Matibay si Prins ha? Kaanu-ano kaya si Prins ni Calixto-Rubiano? At sino si Egay na pinag-remitan ni Prins ng pitsa? Tsk tsk tsk! Naging­ “Sin City” na ang Pasay sa pamumuno ni Calixto-Rubiano ah. Kumusta naman kaya ang kaso ng COVID sa siyudad?

Kung sabagay, walang impact ang expos’e ng Dipuga­ sa Galaxy, Royal n One, Water Cubes, Apeiro, Club 78 at Matrix sa Macapagal Ave., dahil hanggang sa ngayon, nag-ooperate pa sila. Kaya lang naghigpit na ang management at puro kakilalang taga-POGO lang ang pinapapasok­.

Kapag hindi kasi kakilala ng bantay nila o empleyado, sarado ang bakod ng mga nightclub, ayon kay kosang Al. Kaya mahihirapan ang mga bataan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na ma-raid ang mga nightclub ng mga Intsik. Hihihi! Kapag pinlano, mapapasok din ng mga pulis ang mga “untouchable” nightclubs ng mga Intsik, ‘di ba mga kosa? Mismooooooo! Dipugaaaaaaa!

Ganito ang sistema ng prostitution sa loob ng mga nightclub, Mayor Calixto-Rubiano Ma’m! Walang showroom sa loob ng club subalit pagpasok ng kustomer, ipakikita sa mga interesadong Intsik ang foto ng mga bebot sa fone at kapag may napili na papalakpak lang ang manager at presto – lalabas na sa lungga ang buwenas na babae.

Ayon kay kosang Al, P15,000 hanggang P20,000 ang presyo ng bebot at bahala ang kustomer kung sa VIP rooms yayariin o dadalhin sa malapit na condo. Wow may extrang bayad pa yan! Hati ang bebot at management ng club sa kikitain. Araguuyyyyyy!

Kung ayaw kumilos ni Calixto-Rubiano laban sa prostituion, si VP Leni Robredo kaya, na «nanay» ng mga bebot ...este mga Pinoy, puwede? Dipugaaaaaa! Abangan!

vuukle comment

COVID-19

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with