^

PSN Opinyon

Stress at iba pang tips pangkalusugan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Stress ang pinakamalaking problema natin ngayon. Nagdudulot ito ng sakit sa puso, ulcer at sakit sa katawan. Paano ba malalaman kung stressed ka na?

Simple lang. I-check ang tatlong bagay:

1. Suriin ang pulso. Ang tamang pulse rate para sa ma­tatanda ay sa pagitan ng 70 hanggang 80 na tibok bawat minuto. Kung ang pulse rate ay mas mataas sa 80 bawat minuto, ito ay posibleng ikaw ay may stress. Maglaan ng ilang sandali para bilangin ang iyong pulse at simulan tan­tyahin ang stress level. Para hanapin ang iyong pulso­ ipatong ang una at pangalawang daliri sa pulso na malapit sa wrist. At tignan ang iyong relo at magset ng timer sa 1 minuto at bilangan ang tibok nito.

2. Bilangin ang paghinga. Para sa matanda ang ave­rage na paghinga ay 12 hanggang 16 bawat minuto. Kung kayo ay humihinga ng mas higit pa sa 16 kada minuto, baka ikaw ay may stress. Mag set ng timer para sa 1 minuto at bilangin ang paghinga. Huminga lamang ng normal habang binibilang ang hininga.

3. Tingnan ang ibang senyales sa iyong katawan. Ang stress ay nagpapahiwatig ng iba pang sintomas sa ating katawan. Halimbawa, ang iyong tiyan ba ay nakararamdam na para bang buhul-buhol at maasim. Masakit ang iyong ulo. Nakaramdam ka ng paninigas sa iyong leeg at balikat.

Narito ang tips:

1. Huminga nang malalim at mabagal.

2. Mag-stretch at mag-lakad-lakad.

3. Matutong tumanggi kung hindi mo na kaya.

4. Kumausap ng positibong kaibigan.

5. Ayusin ang isipan. Baka maliit lang ang stress pero pinapalaki lang ng iyong isipan.

6. Huwag idaan sa alak, sigarilyo at bisyo.

7. Makinig sa music.

8. Magpahinga.

* * *

Mga tips sa kalusugan

1. Kumain ng mas kaunting pagkain.

Maraming pag-aaral ang nagpakita na ang pagbabawas sa pagkonsumo ng calories ay nagpapahaba ng buhay. Ayon sa teorya sa pag-diyeta, ang pagkain ng mas kaunting pagkain (20% na mas kaunti) ay maaaring mabawasan ang dami ng pamamaga sa mga daluyan ng dugo at maaaring bawasan ang dami ng mga lason sa katawan. Kahit sa panahon ng Bibliya, ang pag-fasting at pag-iwas sa ilang mga pagkain ay hinihikayat.

2. Subukan ang Mediterranean diet.

Ang Mediterranean diet ay binubuo ng gulay, prutas, beans, mani at olive oil. Ang mga isda at manok ay kinakain din ng katamtaman. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga taong kumunsumo ng Mediterranean diet ay makaiiwas sa sakit sa puso at Alzheimers disease. Sa katunayan, itinuturing ito ng ilang mga eksperto bilang pinaka-masustansyang diyeta.

3. Piliin ang masustansyang taba (fats).

Mayroong dalawang uri ng taba: ang masustansiya at hindi masustansyang taba. Ang mga hindi masustansyang taba (saturated fats at trans-fatty acids) ay nagdudulot ng sakit sa puso. Ang saturated fats ay matatagpuan sa mantikilya, creams, at taba ng baboy at baka. Ang trans fats ay matatagpuan sa margarines at cooking oil at mga pagkaing dumaan sa proseso kagaya ng biscuits. Tingnan ang label at subukan bawasan ang pagkain nito. Sa kabilang dako, ang masustansyang fats ay matatagpuan sa mani, abokado at matatabang isda katulad ng salmon, sardines, mackerel at tilapia. Kung mamimili, piliin ang low-fat milk at low fat na mga palaman. Alisin ang mga nakikitang taba bago ito lutuin.

4. Panatilihin ang kalinisan sa ngipin.

Ang pagkakaroon ng sakit sa gilagid ay nauugnay sa sakit sa puso at sa katunayan ay maaaring magpa-ikli ng buhay. Pinaniniwalaan na ang pamamaga sa gilagid ay nauugnay sa pamamaga rin ng mga arteries o ugat sa puso. Ang impeksyon sa bibig ay maaaring humantong sa delikadong impeksyon sa balbula (valve) ng puso. Magsepilyo ng ngipin tatlong beses kada araw. Gumamit ng panlinis ng dila para matanggal ang bakterya sa dila. At mag-floss din araw-araw.

vuukle comment

STRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with