^

PSN Opinyon

Sino si John Paul sa BoC?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BROKER si John Paul ng tinaguriang “Davao group” sa  MICP at Port of Manila kaya matatag ito sa bureau dahil sa amo niyang sumasalag sa kanya oras na naglabas ng shipments sa pier.

Walang magawa ang taga-bureau sa shipments ni John Paul dahil kinatatakutan ang “Davao group”. Walang puwedeng bumangga sa epektos nito kapag inilabas ng pier.

Bakit?

Baka ang mga haharang sa shipments ni John Paul ang matanggal sa bureau. Malaki ang takot ng mga taga-pier sa isa sa mga tinaguriang “tatlong itlog’’ ng aduana.

Mag-utol na broker kasi sa pier sina John Paul, Joel at Jerry na kalimitan ay nag-aaway-away pa ang mga kamote.

Masyadong malalim pagdating sa smuggling ang tatlong itlog lalo’t hawak si John Paul ng “Davao group”. Sabi nga lusot nang lusot ang shipments.

Buhay pa pala sa pier ang broker na mananabo ng perang sina alyas Tolentino at JR. Aktibo pa pala ang mga ito sa smuggling activities sa pier kahit nakabaon sa mga sugalan.

Mag-ingat kayo kina Tolentino at JR baka itakbo ang pera ninyo kapag natalo sa sugal.

Abangan.

vuukle comment

CUSTOMS PORT OF MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with