^
EDITORYAL - Hindi parehas na distribution ng bakuna

EDITORYAL - Hindi parehas na distribution ng bakuna

(Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

SINABI ng World Health Organization (WHO) na hindi patas ang distribution ng bakuna sa mundo. Mas napapaboran anila ang mayayamang bansa kaysa sa mga mahihirap. Sabi ni WHO director general­ Tedros­ Adhanom Ghebreyesus, 82 percent ng bakuna ay nakukuha ng mga mayayamang bansa samantalang 0.2 percent lamang ang napapapunta sa mga mahihirap na bansa.

Maraming mahihirap na bansa sa kasalukuyan ang naghihintay sa pagdating ng bakuna. At isa na rito ang Pilipinas. Masuwerte pa nga ang Pilipinas at kahit paano ay nakapagsimula nang magbakuna ng mga frontliners at nag-umpisa na rin para sa senior citizens. Sa ibang mahihirap na bansa, hindi pa dumarating ang bakuna o kung may dumating, kulang na kulang para sa kanilang health workers. Lahat ay umaasa sa donasyong bakuna ng WHO mula sa COVAX facilities.

Kung kailan darating ang mga bakuna ay walang tiyak na makapagsabi sapagkat mas inuunang suplayan ang mga mayayamang bansa. Kapag napu­nan na ang pangangailangan ng mga mayayaman, saka lamang mabibigyan ang mga mahihirap. Kaya sabi ng WHO, ang nangyayaring hindi patas na distribution ng vaccine ay “morally unconscionable”. Sabi pa ng WHO director general:” “Vaccine equity is the challenge of our time… And we are failing.’’

Ang kakulangan ng bakuna ang naging dahilan kaya nasabi ni President Duterte noong nakaraang linggo sa kanyang Talk to the People na marami pa ang mamamatay dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna. Kung mayroon man daw dumarating na bakuna galing sa China, paunti-unti at para lang sa mga health workers.

Sa kasalukuyan, pinag-uusapan ang Ivermectin na nakapagpapagaling daw laban sa COVID-19. Ina­min ng FDA na dalawang ospital ang pinahintulutan nilang gamitin ito. Bakit hindi magsagawa ng pag-aaral ukol dito at kung epektibo, ibigay agad sa mga pasyente.

Bilisan ang trial sa virgin coconut oil at lagundi na umano’y may kakayahang labanan ang COVID-19.

Simulan din ang pagdebelop ng sariling bakuna gaya ng ginawa ng India. Maraming Pinoy na siyentipiko na kayang gumawa ng bakuna.

Kung pawang aasa sa bakuna nang mayayamang bansa, marami talaga ang mamamatay dahil sa pag­hihintay. Hindi nila uunahin ang mga timawang bansa gaya ng Pilipinas. Nararapat kumilos dahil hindi pantay-pantay kapag bakuna ang pag-uusapan.

WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with