^

PSN Opinyon

Mangulila sa tuktok

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nakangungulila sa tuktok. Maraming hari, presidente, at CEO ang umamin niyan. Pinaliligiran sila ng pulu-pulutong na tagapayo, alalay at pusong. Pero karaniwang pakiramdam ng mga pinuno ay nag-iisa sila sa taas. Ang mga palalo na nagkunwaring hindi nalungkot at nangamba ay sumablay – nagkasakit, naulol, nagpakamatay.

Bakit pakiramdam ng mga nasa tuktok na nag-iisa sila? Inanalisa ‘yan ni Timothy Ferriss, Amerikanong negos­yante, manunulat at podcaster. Aniya, 99% ng tao ay duda sa sariling kakayahang makagawa ng malalaking bagay. Dahil du’n nangangamba sila sa mga tatahaking direksiyon. Nagkukuli sa mga gagawing desisyon. Natatalo ng isip.

Natural na solusyon diyan ng lider na palibutan ang sarili­ ng mga tagapangasiwa at tagapayo. May mga taga-aliw at tagapagpatawa pa. Ganunpaman, maaring pumal­pak ang tauhan. Susubukan itong ayusin ng lider. Pero ma­aring ma­palala pa niya ang sitwasyon. Sa huli ang pinuno ang mananagot, ani Machiavelli. Maari siyang parusahan o kamuhian.

Inaasam, kinaiinggitan, at mahigpit na kinakapitan ang poder. Sa mga hayop man o lipunan, poder ang panukat ng tagumpay, akda nina management professors M. Ena Inesi at Adam D. Galinsky. Pero ang katangian at siko­lo­hiya ng poder ang nakapangungulila sa lider. Nagdu­duda siya sa mga motibo ng mismong itinalaga niya sa tungkulin­. Iniisip niya kung may tinatagong agenda, halimbawa, ma­ngu­rakot o manira, na ikababagsak ng kaharian, panguluhan o kompanya.

Hindi kataka-taka na may lider tuloy na napaka-sensi­tibo sa puna. Tinuturing na pagkontra sa kapangyarihan niya ang payo na taliwas sa nakagawian. Tinuturing na kaaway ang mga matatalino at masisigasig.

Sa takot, nagiging sipsip sa insecure na lider ang mga tauhan. Inuulat sa kanya ang mga gusto lang niyang ma­rinig. Binubulungan siya ng mga intriga. Tinatakot siya laban sa mga inosente, para mapalapit sila lalo sa tuktok at makahingi ng pabor – pondo o kontrata.

Sa udyok ng ambisyon ninanais ng tao maluklok sa taas.

vuukle comment

TUKTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with