^

PSN Opinyon

Pagbaha at illegal black sand mining sa Cagayan, tapos na!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Mabuti’t kumilos na ang pamahalaan para matigil na ang taun-taong pagbaha at masupil ang illegal black sand mining sa Cagayan na matagal nang ginagawa.

Pinangunahan ni DPWH Sec. Mark Villar at DENR Sec. Roy Cimatu ang unang bugso ng implementasyon ng Cagayan River Rehabilitation Project noong Martes sa pinakamahabang ilog sa bansa.

Inumpisahan na ng multi-agency Build Back Better­ (BBB) Task Force ang dredging ng mga sandbar sa Ma­gapit Narrows sa Bgy. Bangag, Lal-lo. Ang sandbars sa Bgy. Bangag at Casicallan Norte at Dummun sa Gattaran­ ang priority dahil ayon sa DENR, ito ang hadlang sa agos ng tubig patungong Aparri Delta at Babuyan Channel. May 19 na sandbars ang tinukoy ng BBB Task Force.

Una nang tinukoy na dredging ang tanging solusyon para hindi bumaha sa Cagayan at Isabela.

Sana suportahan ng mamamayan na malunasan ang taun-taong pagbaha dahil sa pinakakawalang tubig ng Magat Dam at matigil na ang illegal na black sand mining­ na pumipinsala sa kapaligiran at walang pakinabang ang pamahalaan.

Ang Cagayan River Restoration Project ay magiging halimbawa sa iba pang malalaking ilog sa buong bansa.

Noong nakaraang linggo, hinuli ng Philippine Coast Guard at Bureau of Customs ang dredging vessel Zhonhai 68 sa Orion Point sa Bataan ng Zhong Hai Gravel Group, Limited. Partner ng local dredger Pacific Offshore Exploration, Inc. (POEI) ang Zhong Hai Gravel Group Ltd.

Ito ang patunay na may illegal black sand mining sa Cagayan at sa iba’t ibang lugar sa bansa

Ang tanging pinayagan ng DENR na large-scale offshore magnetite mining sa buong bansa ay ang JDVC Resources ng Apollo Global Capital, na mag-uumpisa na ngayong buwan sa bunganga ng Cagayan River sa Gonzaga.

Bilang kauna-unahang large-scale deep-sea mining sa bansa, kumpleto ang JDVC ng kaukulang environment, mining at social permits, iba pang lisensya at certifications.  Nasungkit na rin ng JDVC ang “satisfactory community acceptance” ng lokal na pamahalaan at mga komunidad.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with