^

PSN Opinyon

Bitay, prayoridad ng Senado

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Dalawang bills ang magiging prayoridad ng Senado sa pagsisimula ng sesyon nito ngayon buwan: Ito ang paglikha ng Department of Overseas Filipino Workers at ang pagbuhay sa death penalty o bitay, ayon kay Senate President Tito Sotto.

Parehong maganda ang layon ng dalawang bill. Pero tutukan natin ang panukalang buhayin ang death penalty. Ang masasakop lang ng parusang bitay ay puro mga drug lords o high profile drug traffickers.  Sabi ni Sotto, pabor ang maraming mambabatas dahil hindi na magiging issue na ang bitay ay para lang sa mga mahihirap dahil wala namang drug lord na pobre.

Tanong ko: bakit hindi kasama sa bitay ang mga corrupt government officials na kumukurakot sa kaban ng bayan? Ang plunder o pandarambong ng mga opisyal ng pamahalaan ay isang capital crime na non-bailable. Nararapat lang itong sakupin ng parusang kamatayan. Isa pa, ang pagpuksa sa corruption ay nangunguna rin sa mga adhikain ni Presidente Duterte.

Kaso, maraming mambabatas mismo ang natatakot sa parusang ito. Hindi ko sinasabing lahat ng government officials ay mandarambong. Ngunit katotohanan na ito’y maaaring gamitin sa politika. Ang mga political opponents ng namumunong partido ay puwedeng umimbento ng kasong plunder laban sa mga kaaway sa politika.

Nandidiyan ang dilemma. Paano tutukuyin yaong mga totoong nagnanakaw sa kaban ng bayan sa mga opisyal na pinupulitika lang? Marahil, ‘yung mga umiimbento ng kaso laban sa political opponents ay dapat parusahan din ng bitay para matakot silang maglubid ng kasinungalingan laban sa mga inaakusahan nila.

Naniniwala ako na para masugpo ang talamak na corruption sa pamahalaan, dapat magpatupad ng nakapanghihilakbot ng parusa tulad ng bitay. Pero paano gagawin ito kung may posibilidad na maparurusahan ang mga walang sala? Dapat talaga, parusahan din yaong mga nagpaparatang nang walang basehan kundi ang layunin ay gipitin lang ang kanilang mga kaalit sa politika.

vuukle comment

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with