Ang illegal na sabong at online gaming ni Atong
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

WALA nga yatang kakayahan ang bagong hepe ng Phi­­lippine National Police na kalusin ang pasabong sa isang esklusibong farm sa Balete, Batangas. Kasi nga mga suki, bigating tao ang may ari ng Farm at may ilang beses na umano itong isinangkot sa iba’t ibang hearing sa Senado ukol sa illegal gambling subalit nakakalusot ito.

Ang masaklap nito sa halip na mapatigil itong illegal na pa-derby ay lalo pa itong lumawak dahil sa online gaming sabong na kumakamal ng datung. Ang masak­lap pa nito, bokya ang administrasyon ni President Duterte dahil wala ni isang kusing na buwis na binabayad ang tusong operator, hehehe!

Ayon sa aking espiya, nagkakamal ng datung si Atong Ang sa kanyang pa-derby sa Batangas at lalo pang luma­laki ang naibubulsa nito dahil sa mga taya sa online gaming.

Iyan ang dapat na paimbestigahan ni PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa kanyang mga tauhan sa Calabarzon at sa Cyber Crime ng PNP.

Bukod kasi sa paglabag nito sa health protocol, ma­laking buwis pa ang nawawala sa kaban ng bayan. Hindi naman kasi sisigla ang pasabong kung walang mga cock fighting owner, mananari, kristo at siyempre, ang mga mananaya sa bawat sultada. ‘Di ba mga suki?

Diyan na magkakaroon ng pagkakahawahan kapag nagsiksikan at nagtalamsikan ang laway sa loob ng arena. Malanaw na labag ito sa pinaiiral ng IATF dahil hindi nasusunod ang health protocol.

Subalit sobrang buwenas talaga si Ang dahil bukod pala sa Batangas ay lumawak na ang online gaming nito sa Sta. Cruz, Laguna; Tarlac, Abra at ilang lugar sa Visayas at Mindano.

Matindi rin ang bayaran dahil ipinadadala ang datung sa pamamagitan ng GCash, Paymaya o Bank-to-Bank transaction.

Kung sabagay mahirap pumasok sa website ng online gaming dahil maraming rekusitos na kailangan. Ka­ilangan ay kilala ka ring dating laman ng mga casino at sabungan. May limit naman umano ang taya na hanggang sa P100,000 sa bawat sultada, dala na siguro na mahirap na-icash ang pera sa mga cash remitance. Hehehe!

Sa panahon ngayon na lugmok na itong Duterte administration ni Duterte sa pagsuporta sa mga kababayan nating mahihirap matapos na lomobo sa 304,226 ang nahawahan ng COVID-19, dapat lang na kalusin ni Gen. Cascolan ang illegal na pasabong ni Ang dahil kapag nagkahawa-hawa sa sabungan at madala nila ang virus sa kanilang pamilya at barangay ang magbabalikat na naman nito ay ang pamahalaan. Sobrang buwenas na nila talaga ano mga suki?

Bukod sa limpak-limpak na datung ang mawawala sa kaban ng bayan, babalikatin pa ng pamahalaan ang gastusin ng mga nagkakasakit ng COVID-19.

Kaya may panawagan ako kina NBI director Eric Distor at GAB chairman Abraham Mitra na kumilos sa madaling panahon upang masawata ang pasabong at pa-online ni Ang.

Kasi nga kung magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan lamang kayo, nasisiguro ko na darami pa ang mahahawahan ng COVID-19 katulad ng nangyari sa Davao cockpit arena noon.

Hindi naman kaila sa inyo na matigas ang paninindigan ni DILG Secretary Eduardo Ano na bawal ang sabong sa buong bansa! Get n’yo mga Sir?

Abangan!

ATONG ANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with