GCQ
K KA LNG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

Maagang nagising ang mga manggagawa sa Metro Manila noong Lunes para pumasok. Naramdaman ang trapik na hindi naranasan ng halos tatlong buwan. Sumailalim sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila kasabay na ng halos buong bansa. Maraming negosyo at industriya ang pinayagan ng IATF-EID na magbukas muli kung susunod sila sa mga alituntunin tulad ng pagsuot ng masks at social distancing.

Pero hindi lahat ay pinayagang magbukas. Mga gym, spa, salon, parlor at barberya ay sa Hunyo 7 pa at dapat mahigpit ang kalinisan at social distancing. Hindi pa umano puwede ang manicure at facial kaya dapat siguro matuto nang mag-manicure mag-isa. Marami akong kilala na natuto nang magkulay ng buhok sa bahay. Sigurado dadagsa ang marami sa mga barberya sa Linggo kaya dapat alam ng barberya kung ano ang tamang gagawin para masunod ang mga alituntunin. Ang mga sinehan at hotel bawal pang magbukas. At mananatili ang alas-otsong curfew sa buong siyudad. Halos wala nang liquor ban sa Metro Manila.

Wala pa ring mga pampublikong jeepney at UV Express. Ilang pampasaherong bus ang pinayagang bumaybay ng EDSA pero bukod sa kalahati lang ang laman ay nagtakda ng mga hihintuan sa dating kinala-lagyan ng mga island. Pinayagan na rin ang P2P, shuttle, taxi TNVS at tricycle. Dapat may “cashless payment” din para wala nang palitan ng pera. Sa Hunyo 21 pag-aaralan kung papayagan na ang mga “modernong jeepney” na pumasada at kung kailangang dagdagan ang bilang ng mga bus. Ang MRT/LRT at PNR ay umaandar na pero bilang din ang pinasasakay.

Pero lahat iyan ay puwedeng magbago kapag napansin ng DOH na tumataas muli ang kaso ng COVID-19. May ilang bansa na ganito nga ang nakita nang lumuwag ang kani-kanilang lockdown. Huwag naman sana mangyari sa atin. Kung hindi ako nagkakamali, may karapatan ang mga lokal na pamahalaan na ilagay sa lockdown ang barangay na magtatala ng mataas na bilang ng COVID-19. Sana ganun lang at huwag mapilitang ibalik ang Metro Manila sa ECQ. Walang may gusto niyan.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with